PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Rhian nag-iilusyong sumali sa Bb. Pilipinas! Movie ni Ate Vi hindi ‘nalagyan’ ng life

SEEN: Officially golden girl na si Sharon Cuneta dahil kahapon ang kanyang 50th birthday. May bahid ng lungkot ang kaarawan ni Sharon dahil sa pagpanaw ng kanyang father-in-law na si Donato Pangilinan, Jr.

SCENE: Mission accomplished and I will love you forever ang mensahe ni former Senator Francis Pangilinan sa kanyang sumakabilang-buhay na ama.

SEEN: Ang pagpapanggap ng MMDA at Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015 Executive Committee na patas sila dahil sa pagtanggi nila na ilabas ang individual box office gross ng mga filmfest entry.

SCENE: Ang pagbibigay ng ilusyon ng fans ni Rhian Ramos na puwede itong sumali sa Bb. Pilipinas 2016. Hindi papasa si Rhian dahil sa big scandal na kinasangkutan niya noon.

SEEN: Ang guesting ni Pia Wurtzbach sa CNN with Don Lemon ang most impressive sa lahat ng kanyang television appearances sa Amerika dahil naipakita niya ang husay at talino sa pagsagot sa relevant questions.

SCENE: Si Cathy Garcia-Molina ang simbolo ng mga mapanlupig na direktor na passé na dahil hindi na uso ngayon ang mga bully at power tripper filmmakers.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

SEEN: Everything About Her ang final title ng pelikula nina Batangas Governor Vilma Santos at Angel Locsin. Hindi natuloy ang balak ng Star Cinema na lagyan ng salitang “life” ang pamagat ng pelikula dahil sa paniniwala na masuwerte kay Vilma ang mga project na may title na “life”.

SCENE: Hindi napanood kahapon at sa mga susunod na araw si Alden Richards sa Eat Bulaga dahil sa mga show niya sa Dubai at Qatar.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: