PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Derrick Pumaren bumitaw sa UE Red Warriors

Derrick Pumaren reacts to a call. Philstar.com/Denison Dalupang

MANILA, Philippines – Matapos ang apat na taon ay nagpaalam na ang beteranong coach na si Derrick Pumaren sa University of the East.

Sa kaniyang huling taon sa UAAP ay nakapagtala ang Red Warriors ng 3-11 na kartada upang lumagay sa pampitong pwesto.

Naging kaaabang-abang ang kanilang koponan dahil kay Alvin Pasaol na gumawa ng makasaysayang 49 points.

BASAHIN: Sablan sinibak na ng UST

Noong 2014 pumasok si Pumaren sa Red Warriors kapalit ni Boycie Zamar kung saan bigong makapasok sa Final Four ang kaniyang koponan sa kabila ng 9-5 record.

Sa kabuuan ay nakapagtala si Pumaren ng 21 wins at 35 losses.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Si Pumaren ang pangalawang coach na nawala ngayong Season 80 matapos sibakin si Boy Sablan ng University of Santo Tomas.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: