PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Ikaapat na sunod na MVP kay June Mar Fajardo

MANILA, Philippines – Umukit ng kasaysayan si San Miguel Beermen star June Mar Fajardo sa kaniyang panibagong Most Valuable Player award.

Makasaysayan ang ginawa ni Fajardo dahil sinungkit niya ito sa apat na magkakasunod na taon kung saan siya pa lamang ang natatanging nakagawa nito sa kasaysayan ng liga.

Nakalaban ni Fajardo sa MVP ang mga kapwa Beermen na sina Alex Cabagnot at Chris Ross kung saan kabilang din sila sa first mythical team kasama sina Arwind Santos at Japeth Aguilar.

Sina Joe Devance, Jayson Castro, LA Tenorio, Kelly Williams at Cliff Hodge naman ang bumuo ng second mythical team.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Kinilala naman bilang Rookie of the Year si RR Pogoy ng Talk N Text katropa.

Samantala, napabilang naman sa All-Defensive Team sina June Mar Fajardo, Gabe Norwood, Japeth Aguilar, Jio Jalalon at Chris Ross.

Tumanggap naman ng sportsmanship award si Gabe Norwood ng Rain or Shine, habang most improved si Chris Ross.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: