PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Horn susubukan si McGregor?

MANILA, Philippines — Nakapila umano sa mga makakabangga ni WBO welterweight champion Jeff Horn si UFC lightweight champion Conor McGregor.

Ayon sa ulat ng News Corp. Australia, pagkatapos ang title defense match ni Horn kay Gary Corcoran sa Disyembre 13 ay isusunod niya si McGregor.

Kabilang umano ito sa two-fight deal ni Horn.

 Hindi pa naman tiyak kung kasado na talaga ang bakbakan nina Horn at McGregor kaya naman kailangan munang asikasuhin ng Australian boxer ang sagupaan nila ni Corcoran.

Ito ang unang pagkakataon na dedepensahan ni Horn ang titulo na naagaw niya kay Manny Pacquiao nitong Hulyo.

Bukod kina Corcoran at McGregor may nakatakda pa ring rematch si Horn kay Pacquiao.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: