PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

2 estudyante huli sa paggamit ng marijuana sa school

MANILA, Philippines – Dalawang senior high school students ang dinala sa tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng kanilang mga guro matapos silang mahuling gumagamit ng marijuana sa loob ng kanilang paaralan sa Maynila.

Ayon sa mga ulat, naamoy ng guro ang usok ng marijuana mula sa loob ng palikuran.

Nabawi sa isa sa mga esudyante ang pinaniniwalaang marijuana na nakabalot sa papel.

Dinala muna sa Office of Student Affairs ang dalawa bago inihatid sa PDEA.

Inamin naman ng dalawa ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: