PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Kasambahay na nagnakaw ng P1-M halaga ng alahas timbog sa QC

MANILA, Philippines — Himas-rehas ngayon ang isang kasambahay matapos pagnakawan ang kaniyang amo ng nasa P1-milyong halaga ng alahas.

Inaresto si Jonalyn Ander, 33, sa bahay ng kaniyang among si Sharon Chua sa Barangay Horseshoe sa Quezon City bandang alas-10 ng umaga.

Isang wedding at engagement ring na nagkakahalaga ng tig-P500,000 ang ninakaw ni Ander, ayon sa biktimang si Chua.

Masuwerte namang naibalik pa kay Chua ang mga singsing matapos itong makuha sa bahay ni Ander sa Balagtas, Bulacan.

Humingi naman ng tawad si Ander na aniya’y nagipit lamang kaya nagawang magnakaw.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: