PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

UST law student patay sa hazing

MANILA, Philippines — Isang freshman law student ng University of Santo Tomas ang pinaniniwalaang nasawi dahil sa hazing rites ng fraternity.

Hindi na umabot pa nang buhay sa Chinese General Hospital ang biktimang si Hornacio Tomas Castillo III.

Natagpuan ang bugbog-saradong si Castillo sa Balut, Tondo kahapon ng umaga na nakabalot ng makapal na kumot.

Ayon sa ama ng 22-anyos na bitkima, nagpaalam sa kaniya ang anak na dadalo sa "welcome ceremony" ng Aegis Juris fraternity kung saan isa siya umanong bagong miyembro

Sinabi ni Horacio Tomas Castillo Jr., na tadtad ng paso ng kandila at sigarilyo ang katawan ng kaniyang anak.

Wala namang coordination sa UST Civil Law ang naturang welcome ceremony ng Aegis Juris, ayon sa kanilang dekanong si Nilo Divina.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

"It was not coordinated with the faculty. We are not aware of such event. We do not involve ourselves in activities of any fraternity," pahayag ni Divina na miyembro rin ng Aegis Juris sa Philstar.com.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: