PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

‘Kulot’ inilibing na, magulang naka bulletproof vest

Iginiit ng magulang ng 14-anyos na biktima na anak nila ang kanilang pinaglamayan at inilibing sa kabila ng resulta ng DNA test ng PNP. TV5/Dindo Flora

MANILA, Philippines – Sa kabila ng DNA test na hindi tumugma, inihatid na ng kaniyang pamilya sa huling hantungan ang 14-anyos na si Reynaldo “Kulot” de Guzman ngayong Miyerkules ng umaga sa Pasig City.

Mula sa kanilang tahanan sa katabing bayan ng Cainta, Rizal, dinala muna ang mga labi ni de Guzman sa San Antonio Abad Parish sa Maybunga, Pasig para sa misa.

Pinagsuot naman ng bulletproof vest ang mga magulang ni de Guzman na sina Eduardo at Lina para sa kanilang seguridad. Nasa ilalim ng witness protection program ang mga magulang ng teenager na natagpuang patay at tadtad ng saksak sa Nueva Ecija.

BASAHIN: DNA test: Bangkay na may halos 30 saksak hindi kay ‘Kulot’ – PNP

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Inihimlay ang mga labi ni de Guzman sa Pasig Public Cemetery.

Si alyas Kulot ang nakitang huling kasama ni Carl Arnaiz na napatay ng mga pulis ng Caloocan City matapos umanong mangholdap ng taxi.

Ayon sa forensic analysis ng Pubic Attorney’s Office, pinatay ng walang kalaban-laban sina de Guzman at Arnaiz.

Samantala, nagulantang naman ang pamilya ni de Guzman nang sabihin ng Philippine National Police na ang nakitang bangkay sa Nueva Ecija at pinaglamayan nina Eduardo at Lina ay hindi ang katawan ni Kulot.

Hindi umano nagtugma ang resulta ng DNA test ng biktima sa kaniyang mga magulang.

Sa kabila nito ay itinuloy pa rin ang burol at libing ni de Guzman, habang idineklara namang “missing” pa rin ng PNP si de Guzman.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: