PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Sukli hindi na daw ibinibigay: Sigaw ng commuters, pasahe sa jeep nagiging P8

Philstar.com/File

MANILA, Philippines – Mistulang P8 na umano ang minimum na pa­sahe sa mga pampasa­herong jeep sa halip na ang kasaluku­yang P7.50.

Kaya ang panawagan­ kahapon ang libong mga commuters sa Land Transportation Franchising Re­gulatory Board (LTFRB) na gawin na lamang P8.00 ang minimum na pasahe.

Ito ay dahilan sa anila’y hindi naman nagbibigay ng sukli na 50 sentimos ang mga driver ng passenger jeepney dahil wala daw silang pangsukling barya.

Kaugnay nito, niliwanag naman ng Bangko Sentral ng Pilipinas na hindi naman kulang ang barya sa bansa laluna ng 50 cents dahil sobra-sobra umano ang suplay nito sa bansa.

Dahil dito, nanawagan naman ang LTFRB sa publiko na ireklamo sa ahensiya ang plate number ng passenger jeep na ang driver ay ayaw magbigay ng sukli na 50 centavos upang mapatawan ng parusa.

Ayon sa LTFRB, bukod sa multa ay maaring makansela ang prangkisa ng mga ito.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Karaniwan kase ay P8.00 ang naibabayad ng mga pasahero sa mga driver para sa minimum fare pero hindi na ito sinusuklian pa ng driver ng 50 centavos o kung minsan ay P10 ang naibabayad ng mga pasahero pero ang sukli na naibibigay ng driver ay P2.00 lamang at kulang ng 50 sentimos.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: