Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

2 araw na tigil-pasada, simula ngayon

MANILA, Philippines — Nakatakdang magdaos ng dalawang araw na tigil-pasada ang mga jeepney driver mula sa Metro Manila at ilang kalapit na probinsya simula ngayong araw na pangungunahan ng Stop and Go Coalition.

Ito’y upang kondenahin ang phaseout ng mga lumang jeepney sa 2018, kaugnay sa plano ng pamahalaan na maglabas ng mga makabagong jeepney.

Iginiit ni Jun Magno, pangulo ng nasabing transport, mas mabuting ipaayos o i-rehab na lang ng mga driver at operator ang mga nabubulok na jeep sa halip na i-phaseout.

Tiniyak ni Magno na hindi nila haharangin ang mga jeep na hindi makikiisa sa protesta.

Ayon naman kay Aileen Lizada, tagapagsalita ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), naghahanda na ang pamahalaan upang tulungan ang mga driver at operator na maaapektuhan ng modernization program.

Maglalabas din umano ng show cause order ang LTFRB sa mga makikiisa sa tigil-pasada.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

“Itutuloy and strike pero bukas kami sa pag-uusap. Pero kung hindi kami pakikinggan itutuloy po yan,” ayon kay Magno.

Una nang nagprotesta ang mga jeepney driver noong Setyembre 6 laban sa panukalang public utility vehicle modernization program.

Bukod sa jeepney phaseout ay kasama rin sa ipinoprotesta ng grupo ang mataas na presyo ng e-jeepneys, na nagkakahalaga ng P1.6 milyon at siyang plano ng pamahalaan na ipalit sa mga lumang jeepney sa bansa.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: