Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Binatilyo na nawala sa Caloocan, natagpuang patay sa Bulacan

MANILA, Philippines — Patay na nang matagpuan sa San Jose Del Monte, Bulacan nitong Miyerkules ang 16-anyos na si Michael Angelo Remecio na nawala sa Brgy. 176, Bagong Silang, Caloocan City.

Ang bangkay ay isinilid sa isang sako at itinapon sa tambak ng basura sa San Jose Del Monte City na hangganan lang ng Caloocan.

Ayon sa ama na si Genevie Remecio na umalis ng bahay ang anak noong Agosto 25 nang mamasada ng tricycle ngunit hindi na siya nakabalik ng bahay.

Sa pagtatanong sa mga kaibigan ng anak ay  nabalitaan nila ang pagkakatagpo ng isang bangkay at nang puntahan nila ang punerarya ay nakilala nila na ang bangkay ay  ang kanilang nawawalang anak. Ayon kay Mang Dionisio, nakilala niya ang bangkay ng anak sa pamamagitan ng damit na suot sa kabila na naaagnas na ang bangkay.

 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: