Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Ombudsman pinagtibay ang kaso kay Ex-Pres Aquino sa Mamasapano

MANILA, Philippines — Pinagtibay kahapon ng Ombudsman ang kasong kriminal laban kay dating pangulong Noynoy Aquino tungkol sa pagkamatay ng 44 miyembro ng SAF sa Mamasapano massacre noong 2015.

Sa naipalabas na kautusan na nilagdaan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales, nanindigan ang Ombudsman na may probable cause para pagpanagutin si Aquino sa kasong usurpation of authority  ng  Article 177 ng Revised Penal Code at paglabag sa Section 3 (a) ng  Republic Act 3019 o ng  Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Kapwa akusado dito ni Aquino sina dating PNP Chief Alan Purisima  at dating PNP-Special Action Force director Getulio Napeñas Jr.

Sina Purisima at Napeñas ay kapwa nahaharap na sa kasong graft at usurpation of authority sa Sandiganbayan dahil sa  Mamasapano tragedy.

Ang naipalabas na desisyon ng Ombudsman ay pagpapatibay sa naging ruling nito noong June 13 na nagsasabing nararapat maparusahan ng batas si Aquino dahil sa pagpayag nito na pangunahan ni Purisima ang pagplano at pagsasagawa ng Oplan Exodus para ma- neutralize ang  Malaysian terrorist na si  Zulkifli bin Hir alyas Marwan at Filipino bomb maker Abdul Basit Usman kahit na ito ay suspendido sa tungkulin.

Ayon sa Ombudsman, ang palitan ng text messages ni Aquino at Purisima bago at sa panahon ng operasyon hinggil sa Oplan Exodus  ay pagpapatunay lamang na nabigyan ito ng otorisasyon ng dating chief executive na makialam sa operasyon.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: