Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Alvarez dinepensahan ang P1K budget ng CHR

MANILA, Philippines — ‘Sayang pera diyan’.

Ito ang mariing sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa pagbibigay ng P1,000 budget para sa Commission on Human Rights at isang maliwanag na mensahe na hindi ginagawa ng ahensiya ang kanilang trabaho.

Ayon kay Alvarez na ang  CHR ay nakapokus sa karapatang pantao ng mga kriminal habang binabalewala ang pangangailangan ng mga inosenteng biktima ng iba’t ibang krimen.

“Kailangan nilang protektahan at pangalagaan ang karapatang pantao ng sinuman, di lang isang sektor, di lang sa karapatang pantao ng mga kriminal, pati ang innocent victims,” wika nito.

“Kumikibo lang sila kapag against the military, against the police, against government officials. Hindi naman ganun ang mandato nila. Ang mandato nila ay lahat ng karapatang pantao ay protektahan nila at pa­ngalagaan.”

Sinabi pa ni Alvarez na ang  P1,000 budget para sa  CHR ay hindi para pahinain ito  kundi tungkol ito sa kanilang pananagutan sa mga tao.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

“Ano na ba ang programa nila sa mga innocent victims, ‘yung mga namasaker na pamilya? Bakit nananahimik sila? Maute, Marawi, kumibo ba ang CHR? Wala,” sabi ni Alvarez.

“Nagrereklamo sila wala na raw silang magagawa sa P1,000 budget. E talaga namang wala silang ginagawa e... Bakit pa tayo magsasayang ng pera ng gobyerno diyan?” dagdag pa nito.

Nanindigan din si Alvarez na hindi yuyukod ang Mababang Kapulungan ng Kongreso  upang baguhin pa ang inaprubahang P1,000 national budget ng CHR sa Senado na ibibigay ang P623.4 M para sa nasabing ahensiya.

Nabatid na si Gascon ay nagsilbing Director General ng Liberal Party (LP) kung saan miyembro ang detenidong si Senadora Leila de Lima.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: