Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

2 pulis, taxi driver kinasuhan sa Carl, Kulot slay

Nanumpa sa kanyang salaysay ang isang saksi para sa pagsasampa ng double murder laban sa dalawang pulis-Caloocan at taxi driver na si Tomas Bagcal sa pagpatay kina Carl Angelo Arnaiz 19 at Reynaldo De Guzman, 14. Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Sinampahan na kahapon ng reklamong murder, torture at planting of evidence  sa ilalim ng paglabag sa Section 29 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act) ang dalawang tauhan ng Caloocan Police kaugnay sa pagpatay sa 19-anyos na si Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo (Kulot) de Guzman.

Ang mga kinasuhan ay sina PO1 Jeffrey Perez at  PO1 Ricky Arquilita, kapwa nakatalaga sa Caloocan City Police Community Precinct (PCP)  2, at Tomas Bagcal, ang taxi driver na nagsabing siya ay hinoldap ni Arnaiz.

Kasama ng mga magulang ni Arnaiz na naghain ng reklamo ang umaalalay sa kanilang kaso na si Public Attorney’s Office (PAO) chief,  Atty. Persida Rueda-Acosta at ang mga testigong sina alyas “Joe Daniel” at  alyas  “Kai”.

Nakasaad sa affidavit ng testigong si Joe Daniel na nasaksihan niya kung paano binaril ng 7 beses ng dalawang pulis si Carl matapos bumaba sa police patrol car na ipinarada sa C3 Road sa Caloocan habang nakaposas ang binatilyo.

“Sa kanyang pagbaba ay nakita ko siya ay masasabi kong nakaposas kasi magkadikit ang kanyang dalawang kamay sa kanyang harap. Maya-maya ay nakita kong tumakbo yung nabanggit na tao sa may damuhan. Bago siya tumakbo ay napalingon ang nabanggit na tao sa aking direksyon kaya nakita ko ang kanyang mukha.

“Pagkatapos ay bigla na lang siyang lumuhod na nakaharap sa pulis ang taong nakaposas at sumigaw siya: ‘Susuko na po ako!’ Doon na siya pinaputukan ng dalawang beses.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: