Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Nagpalamig lang ng ilang linggo... killer tandem sa Cavite muling umatake: 3 pinatay

MANILA, Philippines — Mistulang nagpalamig lang ng ilang linggo ang mga umano’y serial killer na nakamotorsiklo sa lalawigan ng Cavite dahil sa mga police checkpoint, dahil muli itong umatake at napatay ang tatlong lalaki at pagkasugat ng apat na iba sa dalawang barangay sa Bacoor City, Cavite, kamakalawa ng gabi.

Namatay noon din sina Rafael Jocas Catalan, 17, elementary student; at si Christian Paul Martin,18, 2nd year high school, kapwa residente ng  Brgy. San Nicholas 2.

Habang malubhang nasugatan naman sina David Dyoco, 51, ng Sampalocan, Brgy. Molino 3, at Edwin Mallorca, construction worker, 62. ng St., Pe­regrine, Brgy. Molino 2.

Inilarawan ang dala­wang suspek na magkaangkas sa isang motorsiklo na walang plaka na  ang driver ay naka-helmet na kulay puti, habang ang angkas na siyang gunman ay armado ng cal .45  pistol na nakasuot ng bull cap.

Sa ulat, dakong alas-9:21 ng gabi ay nasa tapat ng sari-sari store sa Tito Avenue, Brgy. San Nicolas 2 ang mga biktima nang dumating ang isang motorsiklo na kinalululanan ng dalawang suspek at bumaba ang angkas at walang kaabug-abog na pinagbabaril ang mga una at pagkatapos ay tumakas.

Bago ito ay unang umatake ang mga suspek dakong alas-6:40 ng gabi nang pagbabarilin ang tatlong lalaki sa harap din ng isang tindahan sa Brgy. Maliksi 1 ng nasabing bayan na ikinasawi ni Alvin Gregorio, 19, pedicab driver, ng #245 Pogi St. Brgy. Niog 1.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Nasugatan naman sina  Bienvenido Dagasdas, 59; at Allan Skaggs, 43, kapwa pedicab driver, at kapwa residente ng St. Joseph Subdivision, Brgy. Niog 1.

Tumakas ang dalawang suspek na sakay ng kulay itim na motorsiklo.

Magugunita na una nang sumalakay at pumatay ng ilang katao ang ri­ding in tandem criminals sa Dasmariñas City at Imus City na binabaril din ang mga nakukursunadahang nakatambay na  ikinabahala ng mga mamamayan dito dahil sa sunud-sunod na pag-atake.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: