Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Hotshots hinabol si Pascual panapat kay June Mar, Greg

Pang-matchup sa gaya nina June Mar Fajar-do at Greg Slaughter hindi lang sa kasaluku-yang PBA conference kung hindi sa mga susunod pang panahon ang nagtulak sa Star Hotshots na makipag-trade para makuha si Kyle Pascual mula sa Blackwater.

Nakuha rin ng Star si Bambam Gamalinda kapalit sina Allein Maliksi at Chris Javier pero nakatuon talaga ang pansin ng Hotshots kay 6-foot-7 Pascual sa pagpasok sa nasabing trade.

“Tinitignan namin ang parating na PBA Rookie Draft. No. 9 or No. 10 kami at tingin namin wala kaming makukuhang quality big man kaya hinabol na namin si Kyle Pascual,” ani Star coach Chito Victolero.

“Ang lalaki ng kalaban kaya kailangan namin magpalaki. ‘Yun nga lang si Allein (Maliksi) ang tinamaan,” dagdag pa ni Victolero.

Paghahanda na rin sa future ang trade move na ito ng Star dahil hindi na kabataan ang edad ni Rafi Reavis at Marc Pingris.

Umaasa naman si Victolero na makakapagbigay pa rin ng magandang serbisyo sina Reavis at Pingris ng ilang taon pa dahil sa maganda nilang pag-aalaga ng kanilang kalusugan.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Hindi naman nag-aalala si Victolero na magkakaroon sila ng pangangailangan sa scoring sa pagkawala ni Maliksi.

“Malaking tulong sa amin si Allein. Nawalan kami ng streak shooter at firepower pero mapupunan na ‘yan nila Paul Lee, PJ Simon at Aldrech Ramos. At mabibigyan din ng pagkakataon si Rome dela Rosa,” paliwanag ni Victolero.

 Walang alinlangan si Victolero sa stability ng kanilang backcourt sa presensya nina Mark Barroca, Jio Jalalon at Paul Lee.

Hindi naman sila umaasa na agad na gagana ang kanilang bagong recruits.

“Unfair sa kanila dahil nasa adjustment period pa sila,” ani Victolero, batang coach na may vision sa future ng kanyang team.

***

Immediate need naman ang mukhang pinunan ng Blackwater sa pagkuha sa serbisyo ni Maliksi. Kailangan nila ng firepower kontra sa GlobalPort at Rain or Shine sa kanilang huling dalawang laro sa PBA Governors’ Cup.

Kasalukuyan silang nasa eighth spot (4-5) at nakadikit sa kanilang likuran ang GlobalPort (3-5) at Alaska (3-6).

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: