Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Debut ni De Ocampo sa Bolts

MANILA, Philippines — Matapos maihatid ang TNT Katropa sa pagkopo sa anim na korona ay ang Meralco naman ang tutulungan ni veteran forward Ranidel De Ocampo na makapitas ng kanilang kauna-unahang titulo.

Ipaparada si De Ocampo, lalabanan ng Bolts ang kumakamadang Alaska Aces ngayong alas-4:15 ng hapon sa 2017 PBA Governor’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Sa ikalawang laro sa alas-7 ng gabi ay magpapalakas naman ng tsansa sa quarterfinals ang bumubulusok na Star at Globalport.

Hangad ng Meralco na makalapit sa Top Four, habang magpapatibay naman ang Alaska ng tsansa sa eight-team quarterfinals cast.

Ang No. 1, 2, 3 at 4 teams ang magbibitbit ng ‘twice-to-beat’ advantage laban sa No. 8, 7, 6 at 5 squads, ayon sa pagkakasunod.

“Sana nga makatulong ako sa team para ma-ging successful din ang Meralco,” sabi ng 35-anyos na si De Ocampo, dating Gilas Pilipinas mainstay.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Target naman ng Aces ang kanilang ikaapat na sunod na pananalasa matapos ang 0-6 panimula sa hangaring makasama sa quarterfinals.

“I hope this is a character-building win for us,” sabi ni Alaska mentor Alex Compton matapos ang kanilang come-from-behind 102-94 win laban sa Kia noong nakaraang Linggo. “We’re fighting for our lives every game, but I hope we can get better. Right now we’re just trying to win every possession.”

“Our ability to handle their full court pressure will be one of the keys for us,” ani Black. “Keeping them off the offensive glass will also be important.”

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: