Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Jose Rizal nagpalakas

Tangkang makaiskor ni Tommy Gedaria ng Letran laban kay AbdulWahab AbdulRazak. PM photo ni Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Nakabalikwas mula sa huling kabiguan ang Jose Rizal University at pina-lakas ang tsansa sa Final Four makaraang muling gapiin ang  Letran, 77-68  kahapon sa second round ng NCAA Season 93 men’s basketball tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Bunga ng panalo, umangat ang Heavy Bombers sa 7-4 panalo-talo at lalong tumatag ang kapit nila sa ikatlong puwesto habang bumagsak naman ang Knights sa 5-6 panalo-talo na naglagay sa kanila sa solong ikalimang puwesto kasunod ng da-ting katabla nilang San Sebastian na may patas na markang 5-5 panalo -talo.

Kumawala ang Heavy Bombers sa third period sa pamumuno nina Ervin Grospe at Jed Mendoza at lumamang sa 58-45 buhat sa halos dikit na laban sa first half (36-27).

Nakuha pang dumikit ng Knights at tapyasin ang bentahe sa 8-puntos matapos ang basket ni JP Calvo, 58-66 papasok sa huling apat na minuto.

Ngunit hanggang doon na lamang ang pinakamalapit na inabot ng Knights dahil hindi natinag sa pangingibabaw ang Bombers.

“The character of the team coming off a heartbreaking loss in a game which we should have won, yun yung key,” pahayag ni coach Vergel Meneses.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

“Last game we gave up more than 100 points so that was really our focus today, our defense. Our defense is our best offense,” dagdag nito.

Pinangunahan nina Grospe at Tey Teodoro ang panalo sa itinala nilang tig-15 puntos habang nagtapos namang topscorer si Calvo para sa Knights sa itinala nitong 21 puntos.

Sa huling laban, pinalakas ng Emilio Aguinaldo College ang kanilang tsansa na makapasok ng Final Four makaraang talunin ang Mapua University, 85-72.

Umiskor ng kanyang career-high na 27-puntos si Jerome Garcia bukod pa sa 6 na rebounds habang nag-ambag ng 16-puntos at 15 rebounds si Sidney Onwubere upang pamunuan ang nasabing ikalimang panalo ng Generals kontra sa anim na kabiguan na nagtabla sa kanila sa Letran sa fifth spot.

Nagtapos namang leading scorer para sa Cardinals si Laurence Victoria na may 15-puntos at 8 rebounds.

Ang kabiguan,  ang ika-sampung sunod ng Mapua mula noong first round ang nagbaon sa kanila sa 1-11 marka.  - FML

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: