Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Istriktong Wala sa Lugar si Nanay

Dear Vanezza

Itago mo na lang ako sa alyas Lovely, 27. Ang problema ko ay ang nanay ko. Kung ituring kasi ako ay parang bata pa rin. Hanggang makatapos ako ng pag-aaral ay wala pa rin akong kalayaan. Walang puwedeng manligaw sa akin. May bf ako na ka-officemate ko pero lihim lang. Kung mag-date kami ay sa canteen lang ng office namin dahil takot ako sa nanay ko. Matapang ang nanay ko at istrikto na wala sa lugar. Ano ba ang gagawin ko?

Dear Lovely,

Sa ginagawa niyang paghihigpit sa iyo, malamang tumanda kang dalaga kung susunod ka lang sa bawat gusto niya. Bilang paggalang sa kanya, subukan mo siyang kausapin nang mahinahon. Takot lang ang magulang mo na mapahamak ka. Kung mahal ka talaga ng BF mo ay matitiis niya ang ugali ng nanay mo para patunayan sa magulang mo ang malinis niyang intensyon sa iyo.                                                                      

Sumasaiyo,

Vanezza

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: