Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Paniwala Tungkol sa Nangangating Palad

Last Part

5—Kapag kaliwa ang nangangati, may mababasag ka o mawawalang bagay na malaking halaga ang katumbas. O, magkakaroon ka ng mala­king gastos sa iyong sasakyan. Ang pangontra upang hindi magkatotoo ay ikuskos ang kaliwang palad sa kahoy.

6—Kung parehong palad ang nangangati, pala­tandaan ito na susuwertehin ka sa mga susunod na araw. Ilagay sa loob ng bulsa ang kamay saka kamutin para ang wealth energy ay maipon sa bulsa.

7—Sa Hungary, sa buhok ikinukuskos ang nangangating pa­lad para magkatotoong makatanggap ng pera.

8—May paniwala naman na kapag ang kaliwa ang nangati, may darating sa iyo na pagkakakitaan.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: