Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pangalawang Anino (205)

PUMAGITNA si Nanette sa mga taong nasa kalye na hirap na hirap.

“Makinig ho kayo. Magagamot ko kayo. Pero kailangan muna ninyong magdasal. Dasal na tapat. Dasal na totoo. Dasal na may paniniwala sa Diyos. Kaya po ba ninyong gawin ito?”

Halos hindi naman siya pinapansin ng mga may sakit.

Nasasaktan kasi kaya doon lamang napupunta ang atensiyon nila.

Ang iba naman ay aburido na, wala nang tiwala sa Diyos.

“Tumigil ka na diyan! Dasal na kami nang dasal dito pero wala pang gumagaling sa amin!” Galit na sinigawan ng isang maysakit si Nanette.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

“Huwag po kayong mag-give up sa Diyos. Habang nahihirapan mas dapat kayong naniniwala nang mas matindi.”

“Pero pinababayaan na yata Niya kami! Pati nga pari namin, wala na!”

Natigilan si Nanette. “Iniwan kayo?”

“Oo. Iniwan kami dahil namatay na siya noong isang linggo. Hindi niya natagalan ang puro bukol sa katawan, humina siya.”

“Diyos ko ...”

“Walang Diyos!”

“Meron, maniwala kayo. Utang na loob, pagbigyan ninyo ako para magamot ko kayo. Sumama muna kayong lahat na magdasal sa akin.”

“Kalokohan! Paasa ka lang!”

Binale-wala talaga siya ng mga tao. Napatingin si Nanette sa isang grupo ng mga bata na puro bukol din sa katawan. Hirap na hirap din pero karamihan nananahimik lang.

Iniiwasang umiyak.

Sa kanila lumapit si Nanette.

“Mga bata..hindi ko mapasunod sa pagdadasal ang mga adults. Puwede bang kayo na lang ang magbigay sa kanila ng magandang example? Makidasal kayo sa akin. Pero ‘yung taimtim, ha? Iyung mula sa puso. Okay ba? Dito, dito ... luluhod muna kayo, ha? Kahoy naman ‘yan, hindi masakit sa mga tuhod. O, handa na ba kayo?”

Tumango ang mga bata.

Maririnig na ang pagdadasal nila. Ama Namin. Aba Ginoong Maria. Apostles Creed.

Nakatingin lang ang mga nakakatanda. Natapos nina Nanette ang mahabang pagdadasal. Sumalok kaagad si Nanette ng tubig sa balon.   

Itutuloy

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: