Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Hindi Laging Jackpot

May ilang buwan na maaaring maabot ang goals at meron din months na ang radiator ay nagkakaroon ng leak kaya buma­bagsak ang emergency fund na back to zero.

Nagbibigay ito ng stress, pero intindihin na bahagi ito ng proseso. Kahit ano pa ang sabihin ng iba, walang secret formula para magtagumpay na swak kahit kanino sa lahat ng panahon.

Ang mahalaga ay magkaroon ng pokus sa ginagawa para maabot ang goals, hindi ang bawat pagkatalo at pagkakamali. Minsan nahihiyang konti lang ang naipon na savings na 1000 pagdating ng December. Bakit wala namang magtatanong at sisihin ka kung bakit na 900 lang ang naitabi.

Ang importante ay maunawaan ang pag-abot sa financial security ay mahabang proseso na hindi laging jackpot.

Pasasaan ba, maaabot din ang tagumpay na kailangan lang bumangon sa tuwing nadarapa. Magsimula uli hanggang makuha ang inaasam na tagumpay.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: