Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Iba’t ibang Paniniwala sa Natanggal na Ngipin

May iba’t ibang paniniwala sa pagtatago ng natanggal na ngipin. Dito sa atin, popular nang itinatapon sa bubungan ang natanggal na ngipin dahil pampasuwerte raw ito.

Pero alam n’yo ba na ang paniniwalang ito ay nagmula sa bansang Greece? Nagwi-wish pa ang mga bata na tumubong malusog ang kanilang adult teeth.

Sa Australia naman, naniniwala ang mga bata na kapag inilagay sa ilalim ng unan ang natanggal na ngipin ay bibigyan sila ng tooth fairy ng pera kapalit nito.

Naniniwala naman ang mga bata sa Brazil na magkakaroon sila ng magandang ngipin kapag itinapon nila ang natanggal sa labas ng bintana at kinuha ng ibon. Hihilingin nila sa ibon na bigyan sila ng kapalit na malusog na ngipin.

Pero sa bansang ­Lithuania, ang mga batang natanggalan ng ngipin ay hindi ito itinatapon. Itinatago ng mga bata ang ngipin bilang souvenir ng kanilang pagkabata.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: