Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Boomerang na Emosyon

Ang galit ang pinakadelikadong emosyon. Parang boomerang na kapag ipinukol sa ibang tao ay tiyak na babalik sa iyo. Laging may kabayaran ang galit at maaaring magbigay pabigat sa ating kasama sa bahay lalo na sa asawa o partner.

Maraming klase ng galit na nakatutulong na mailabas ang gustong sabihin. Minsan ito ay isang subconscious na fear of intimacy sa likod ng utak.  Lumalabas lang bilang sagot sa isang relasyon na hindi komportable dahil sa pagkainis. Kapag puno na ang nararamdaman ay saka lang sumasabog ang itinatagong galit. Ang patuloy na pagsabog ng galit ay sign ng pagiging immature.

Lahat naman nagagalit minsan, pero kapag laging nagagalit dahil sa hindi pagkakaintindihan ay nauuwi sa awayan.

Ang pinakamagandang solusyon ay ma­ging honest na kausapin ang asawa. Ang pagsasabi ng maluwat at pagsasama ng tapat. Natatakot kasi na ma-reject kapag pinag-usapan ang isang isyu.

Puwede naman maipakita ang kahinaan, tiyak tanggap ka ni mister o misis sa kabuan ng pagkatao na hindi kailangan idaan sa palagiang pagiging high blood.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: