Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Vegetarian na isda kakaiba ang ngipin

Umani ng samu’t saring reaksyon ang isang isda na naging-viral sa social media dahil sa kakaiba nitong hitsura.

Ang Pacu ay isang uri ng isda na malapit sa pamilya ng mga Piranha. Sila ay mga vegetarian na matatagpuan sa mga major river systems sa South America.

Mukha rin silang Piranha, pero hindi hamak na mas malalaki sila.

Ang nakamamangha sa isda na ito ay ang kanilang kakaibang mga ngipin.

Kinatakutan nang minsan ay may makahuli nito dahil hitsurang ngipin ng mga tao ang kanyang pangkagat.

Ayon sa pagsusuri, ganito ang kanilang ngipin dahil na rin sa kanilang mga kinakain. Kung ang Piranha ay puro patulis ang ngipin dahil puro karne ang kanilang kinakain, palapad naman ang sa mga Pacu na gaya sa mga bagang ng mga tao.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Matitigas kasi ang kanilang mga kinakain gaya ng mga mani at buto kaya naman binansagan din itong nutcracker fish.

 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: