Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Maling Paggamit ng Condom (3)

Marami ang gamit lang nang gamit ng condom, mali-mali naman. Hindi porket laging gumagamit ng condom, expert ka na.

Ang totoo, maraming maling ginagawa ang mga lalaki sa paggamit ng condom ayon sa men’shealth.com.  Natalakay na natin ang tungkol sa maagang pag­lalagay ng condom, maagang paghuhubad ng condom, at pag-ulit ng paggamit sa condom, todong pag-a-unroll ng condom, at pag-iiwan ng space sa tip ng condom.

Talakayin naman natin ngayon ang ibang isyu tungkol sa condom.

Pagtatanggal ng Hangin sa Condom - Kaila­ngang tanggalin ang hangin sa condom kaya dapat pisilin ito kapag isinuot.  Kailangan kasing hapit ang concom sa balat ng penis kapag isinuot ito. At hindi dapat lomobo ang tip nito. 

Baliktad ang Pagkakasuot ng Condom - Madalas itong pagkakamali ng mga ‘eksperto’ sa condom. Baliktad ang pag-u-un-roll ng condom. Tapos pag na-realize nilang baliktad ang condom. Tapos babaliktarin uli ang condom para sa tamang side at gagamitin pa rin… Hay naku….  Si kuya talaga…… ITUTULOY

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: