Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

EA pahinga muna sa babae

Ilang beses na raw gumanap na bading si Edgar Allan Guzman sa pelikula tulad sa Pare, Mahal Mo Raw Ako at Working Beks pero nagustuhan niya ang role na Mark nung mabasa niya ang script ni Eric Cabahug.

Hindi first choice si EA sa role na Mark dahil una itong inalok kay Sam Milby.

“To be honest, ayokong tanggapin nung una kasi bading na naman ang role. Ilang beses na ako gumanap na beki at parang paulit-ulit na lang.

“Akala ko another ordinary gay role lang itong ibibigay sa akin, pero nung binasa ko yung script, nagandahan ako at iba siya.

“Kaya um-oo na ako at baka mapunta pa sa iba yung role ko,” ngiti ni EA.

Bilang si Mark, beki best friend siya ni John (played by Joross Gamboa) na nagkaroon ng sakit at nataningan na ang buhay. Humingi ito ng tulong sa kanyang BFF para pekein ang burol para marinig nito ang eulogy niya.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Sa mga nakapanood na ng Deadma Walking, puwede raw manalo ng acting award sina Joross at EA.

“Sa totoo lang, gusto kong manalo para sa Deadma Walking. Ang ganda kasi nang pagkakadirek sa akin dito ni Direk Julius Alfonso.

“Matagal na kasi yung last acting award ko for Ligo Na U, Lapit Na Me. That was noong 2011 pa. Tapos nanalo rin sa Aliw Award noong 2012 for the play Bona.

“Kaya nami-miss ko yung feeling na manalo ako ng award. But still ayo­kong mag-expect.

“Pero kung ibibigay nila sa akin, magiging happy ang Pasko natin,” ngiti pa niya.

Loveless si EA ngayong Pasko, pero okey lang daw iyon dahil mas naging busy naman daw siya sa career niya.

Kasalukuyang napapanood si EA sa top-rating GMA primetime teleserye na My Korean Jagiya.

“Happy ako with our show sa GMA 7. Mataas ang ratings namin at extended na kami hanggang February 2018.

“Wala munang girlfriend-girlfriend. Career muna tayo talaga.

“Tsaka yung pagmamahal ko ngayong Pasko, para sa family ko muna.

“Kaya kahit walang girlfriend, okey lang. ‘Di ako malulungkot,” diin ni EA.

Huling karelasyon ni EA ay ang aktres na si Shaira Mae dela Cruz. Matagal na raw silang naghiwalay pero nanatiling magkaibigan sila.

May mga nakikilalang non-showbiz girls si EA, pero hanggang dating muna raw siya.

“Okey lang yung makipag-date pero hanggang doon muna. Mas gusto kong friends muna kami ng girl.

“Inaamin ko na before kapag may type ako, liligawan ko agad. Never kong naranasan na maging friend ko muna ang isang nililigawan ko.

“Siguro by next year... try ko na makipagkaibigan muna talaga sa babae,” pagtapos pa ni Edgar.

 Dating child actor na si Renz, pinaglalawayan ang katawan

Maraming beki ang naglalaway na ngayon sa bortang katawan ng dating child actor na si Renz Valerio.

Nineteen years old na si Renz na unang napanood bilang child star sa telefantasya na Atlantika bilang batang Dingdong Dantes. Nagbida naman siya sa teleserye na Noel.

Sa kanyang latest Instagram post, pinakita na ng binata nang si Renz ang resulta ng kanyang panay na workout sa gym. Tila may pinaghahandaan si Renz na kung anong project kaya naging adik na ito sa pag-workout tulad ng kaibigan niyang si Kristoffer Martin.

Abangan na lang ng mga beki kung kelan ilalantad ni Renz ang kanyang pagiging hunk sa isang teleserye.

Beyoncé halos milyon ang outfit pag-akyat

at pagbaba ng eroplano!

Iba kung mag-travel si Beyoncé dahil hindi basta-basta ang sinusuot niya.

Yayamanin ang mga damit ng singer at sinisiguro ng kanyang stylist na si Zerina Akers na kahit saang airport mag-landing ito, picture perfect ready ito at pang-Instagram ang dating.

Ang unang look ni Beyonce habang papaakyat pa lang siya sa kanyang private plane, nagkakahalaga na ng $9,635 or 486,567.50 pesos.

Ito ay ang ang Gucci AC/DC Print Tie-Dye Cotton T-Shirt ($720); Gucci Shredded Bleached Denim Shorts ($850); Dolce & Gabbana Distressed Patchwork Denim Jacket ($3,375; on sale for $2,025); Saint Laurent “Niki” Leather Zip Over-the-Knee Boot ($3,495) at Dior Denim/Pink Canvas Shoulder Bag ($1,195; on sale for $660)

Ang kanyang second look naman kapag lumabas na siya ng eroplano ay nagkakahalaga ng $13,163 or 664,731.50 pesos.

Ito ay ang Balenciaga “Alek” Shirt ($495); MCM Berlin Trunk Cross Body Bag ($1,495); Ray-Ban Icons 53mm Retro Sunglasses ($153); Y/PROJECT Tulle Wrapped Hoodie ($1,020); and Saint Laurent “Niki” Over-The-Knee Crystal Boots ($10,000)

Kaya naman ultimate fashionista si Beyonce nasa lupa o nasa ere man siya!

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: