Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Anne hindi naalarma sa buto’t balat na katawan ni Jasmine!

Jasmine Curtis

Ipinagtanggol ni Anne Curtis ang ka­payatan ni Jasmine Curtis sa interview na lumabas sa PEP kahapon. Wala raw sakit ang kapatid at super healthy ito contrary sa mga natatanggap nitong puna na anorexic na ito dahil sa pagbagsak ng katawan.

Kahit kasi sa pelikula niyang Siargao ay payatot pa si Jasmine. Local island girl sa pelikula ang role ni Jasmine at nagsu-surf na hindi na siya stranger dahil may-ari ng surfing school sa La Union ang kanyang boyfriend na si Jeff Ortega. Kaya naman napangatawanan ni Jasmine ang kanyang character pati kulay ng balat, sa movie nila nina Jericho Rosales and Erich Gonzales na kasali sa MMFF 2017.

Nauna nang sinabi ni Jasmine na nanibago lang ang katawan niya sa rami ng ginagawa kaya nabawasan ang timbang niya.

Isabel Granada at Arnel Cowley

Asawa ni Isabel hindi pa nakaka-recover!

Hindi pa nakaka-recover ang naiwang mister ni Isabel Granada na si Arnel Cowley.

Sa kanyang mga Ins­tagram post, dama pa ang sakit na nararamdaman niya sa pagkawala ng misis matapos na mag-collapse at ma-coma hanggang bawian ng buhay sa Doha, Qatar. “To my baby @isabelgranada21 Loving you was so easy as we do everyday but missing you is a heartache that never goes away. I love you so much and forever I will be so in love with you. I’m still hurting so bad without you. I can only wish to have you back this Christmas my baby. I love you so much. It will be a sad Christmas for me,” sabi nito sa kanyang IG na caption sa photo nilang dalawa.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: