Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

One Music X lumikha ng kasaysayan sa Middle East

MANILA, Philippines — Pagbukas pa lang ng ilaw at pag-umpisa pa lang ng set ng The Next Big Thing in Homeland EDM na si Moophs, nakakabinging hiyawan at palakpakan ang sumalubong sa opening ng One Music X, sa pamosong Dubai Media City Amphitheater noong November 3.
Tinaguriang ‘the newest music festival to watch in the Middle East,’ pinatunayan ng collaborative event ng TFC, Star Records, MOR 101.9, Myx at One Music PH na lahat nang inaaabangan sa isang music festival at higit pa, ay nasa One Music X.

Tinagurian din bilang ‘the biggest Filipino experience sa Middle East,’ nagtipun-tipon ang mga kabayan pati na ang iba pang nationalities na tinatayang nasa limang libo na  pumuno sa Dubai Media Amphitheater (DMC) na kilala bilang venue ng pinakanag­lalakihang concert acts sa Dubai.
Matapos ang opening number ni Moophs sumunod namang nagpaindak sa crowd ang EDM artist na si Xela na isa ring kilalang theater performer ng bansa.

Ang pagpasok ng mga pinakamahusay na singers naman ng Pilipinas ay pinangunahan ng Rock Star na si Yeng Constantino.
Inabangan din ng marami ang paglabas naman ni Inigo Pascual na pinatunayang isa siyang artist of his own right.  Sa katunayan, nang inawit niya ang Dahil Sa Iyo, ang kauna-unahang OPM na tumuntong sa Billboard PH Top 100, tilian ang mga kababaihan sa crowd.
Sa kanilang kauna-unahang international performance naman, ipinakita ng Silent Sanctuary na henyo talaga ang four-piece band.  Kilala sa Pilipinas bilang intense performer, patuloy pa ring napapahanga ni Soul Supreme KZ ang malawak na range ng audiences. 

At sa pagtatapos ng music festival, lumabas naman ang pinakahihintay ng lahat – ang rare music appearance ng Concert Master, Super Composer at Bestfriend Korics na si Rico Blanco. Kasama rin ng the Philippines’ best and top local acts tulad ng Australian R & B singer na si Josh MCCartney at Seychellean reggae act na si Emmanuel Marie at Dubai-based Pinoy band na Club 7.

Kumumpleto naman sa line up ang Myx VJs na sina award-winning host Robi Domingo na talaga namang hit sa crowd at homegrown favorite Ai dela Cruz kasama si MOR 101.9 DJ Chacha na nakatanggap din ng paghanga mismo sa mga Dubai at Oman chapter ng fans club ni Yeng Constantino.
Bilang huling performance, inawit ang trending na #JustLove Christmas station ID ng ABS-CBN.
Sa huli, ang One Music X  ay hindi lamang lumikha ng kasaysayan kung hindi naging isang hudyat ng isang magandang kinabukasan para sa Philippine music industry sa international scene.

 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: