Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Dingdong hindi malilimutan ang mga nakasama sa Robin Hood

 Dingdong Dantes

MANILA, Philippines — Tutok ang televiewers sa pangalawang season ng primetime series na Alyas Robin Hood. Ngayong nasa finale week na ito, mas maiinit at maaaksyong eksena pa ang dapat abangan.

Ayon sa Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes, malaki ang pasa­salamat nila sa network dahil nabigyan sila ng second season.

Parang pamilya na rin daw sila sa set at masaya siyang nakatrabaho ang ilan sa pinakamahuhusay na aktor sa industriya. 

Mga bida sa Boys Over Flowers hinahanap na!

Magsisimula na pala ang auditions para sa cast ng gagawing local adaptation ng Boys Over Flowers sa GMA Network at open raw ito sa lahat ng Pilipino.

Ngayong Sabado (November 25) nga, invited ang mga kalalakihan at kababaihang may edad 16 pataas na pumunta sa GMA Network Studio 1 para sumali sa auditions mula 8 a.m. hanggang 3 p.m. Kailangan lang nilang magdala ng isang close-up at isang whole body photo.

Para sa mga lalaki, dapat ay at least 5’7” ang kanilang height, samantalang 5” naman para sa mga babae. ‘Di ba, napakadali lang ng requirements para sa open auditions? Kaya sa mga nagnanais na maging artista d’yan, ano pa ang hinihintay ninyo? Malay n’yo, kayo na ang next na bibida sa biggest project ng Kapuso Network sa 2018!

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: