Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Matteo pumiyok na naapektuhan sa maraming yakapan nina Sarah at John Lloyd!

Matteo Guidicelli

Si Ellen kaya may reaksyon…

Nakakatuwa naman ang rebelasyon ni Matteo Guidicelli sa Magandang Buhay episode kahapon na naapektuhan daw siya ng Finally Found Someone na as we all know ay ang huling pelikulang pinagtambalan ng girlfriend niyang si Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz.

Pero bago ito ay pinauna naman ni Matteo na hindi siya nagseselos at supportive nga siya sa girlfriend.

“Sa totoo lang, hindi selos. I am very suppor­tive. Halimbawa, ‘yung last movie nila ni John Lloyd, we were really discussing na sana may kissing scene na kayo, it’s something professional.

“Bilang artista you have to understand that. Bilang artista kasi it’s really easy to get jealous because our line is very thin to reality and to being professional. So we just have to be professional and be mature about that. So dapat hindi ka mag-selos, eh.

Or kapag manonood ka ng pelikula at magseselos ng kaunti, that means you are affected, that’s a positive thing, it’s a good thing. But you have to switch that off also, hindi ba?

“So nanonood kami ng latest movie nila, Finally Found Someone. I was really affected. I was like, ‘Oh my God, you are hugging him too much’ alam mo ‘yon, ‘yung mga ganyan. But that’s a good thing, it affected me so that means that they did their job very well,” ang kuwento ni Matteo.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pero siyempre, may warning din siya sa girlfriend in the end.

“Pero sabi ko, dapat sa totoong buhay hindi ganyan or else... ‘di ba? Dapat hindi ganyan,” tumatawang sabi ng aktor. “Pero sa movie, sa trabaho okay lang yan,” dagdag niya.

Ang dami ring kinilig sa ibinigay na mensahe ni Matt para sa girlfriend.

“I will say this to the one girl in my life. Don’t worry even though you know maraming mga doubts and whatever. At the end of the day you know you are the person that I love, that I trust, that I hold things to,” sabi ni Matteo na talaga namang ikina-react ng mga tao sa audience at maging ang mga host na sina Karla Estrada, Jolina Magdangal, at Melai Cantiveros ay kinilig.

Pati si Ogie Alcasid na guest din ay nagsabing “grabe, naiyak ako. Kasi, totoo, eh.”

When asked kung bakit hindi siya nagpu-post pa­ra­ti ng larawan nila ni Sarah sa social media, mas nakakakilig ang kanyang sagot.

“No, we never… I never actually post, with Sarah and I, we never post. But if I could, If I could, if the situation was different, I would show the whole world how much I’m in love with my girlfriend,” ang nakamamatay sa kilig na sabi ni Matteo.

He added, “because you know some people say, I’m always talking about her, Duh? We are in love with each other. We are happy. You know what I’m saying? If you love the person, you care for the person, you are passionate about the person, say it, love it, talk about it. Don’t wait for the day na hindi mo na siya mahal, hindi mo na siya kakausapin or you won’t talk about it. But since you love the person, since you love whoever that person is, you’re going to spread the love, show the love, appreciate the love.”

Dahil sa napakagagandang sinabi ni Matteo, ang daming pumuri sa aktor na netizens sa Twitter at ang ibang fans ni Sarah ay nagpasalamat pa sa kanya sa pagmamahal na ibinibigay niya sa kanilang idolo.

Heart nag-feeling Cinderella

Iba na rin si Heart Evangelista. Ang sikat na French shoemaker/designer na si Christian Louboutin naman ang nakatsika at nakasayaw niya sa ginanap na Philippine Tatler Ball kamakailan.

Si Heart ay  napiling local ambassador ng international brand na nagbukas sa bansa, ang Carolina Herrera.

Ipinost ni Heart sa kanyang Instagram account ang larawan habang magkasayaw sila ng sikat na French fashion designer at ang cute ng kanyang caption.

“Not waiting for the clock to strike midnight. My own version of a Cinderella moment...dancing with not a prince but the shoe king! @louboutinworld,”caption ni Heart.

Anyway, hindi nakasama ang mister ni Heart na si Sen. Chiz Escudero sa nasabing ball dahil bumiyahe raw ito pa-Sorsogon.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: