Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Maine tatlong beses umatungal sa comedy movie!

JoWaPao at Maine  

Todo ang suporta ni Maine Mendoza sa kinilala na niyang mga lola sa kal­yeserye nila ni Alden Richards sa Eat Bulaga more than two years ago, sa grand premiere night last Monday sa SM Megamall Cinema 7. Wala rin kasi si Alden na nagti-taping ng Magpakailanman kaya hindi nakadalo. Hindi siya humiwalay kina Lola Nidora (Wally Bayola), Lola Tidora (Paolo Ballesteros) at Lola Tinidora (Jose Manalo) at kina Caprice Cayetano bilang si Charmaine na apo sa tuhod ng mga lolas at si Ryzza Mae Dizon.

Nag-tweet agad si Maine after mapanood ang movie ng: “Trip Ubusan The Lolas vs. Zombies: horror, action, comedy and drama successfully rolled into one film! Pwera biro at bias, maganda siyang pelikula! So proud of everyone!  Showing na on Nov. 22 mga dabarkads!”  Isa pa niyang tweet: “Love my kuyas/lolas forever!”

Tatlong beses daw siyang napaiyak sa eksena habang nanonood.”

Si Direk Mark Reyes naman nag-post sa kanyang Facebook ng: “To hear the laughter, applause, screams and cheers as your latest movie is played in the cinema. Priceless.”

Present ang buong cast ng movie, naroon din ang mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna, producer ng M-Zet Productions, co-producer ng APT Entertainment.  Ngayong Wednesday, ang showing in cinemas nationwide ng movie.

Angelika palaban sa mga bully

Patuloy pala ang pamba-bash kay Angelika dela Cruz sa mataray na role na niya sa top-rating afternoon prime na Ika-6 Na Utos. Pumapatol siya sa mga basher tulad noong minsan may nag-post na “Mamatay ka na” na sinagot niya ng “mauna ka, bakit ako? Ikaw ang mamatay!” Pinost daw niya iyon at mga netizens na rin ang nam-bash sa kanya.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

“Naiisip ko rin na hindi sila dapat patulan, pero kung sobra na, dapat na silang sagutin. Siguro sila iyong mga taong may pinagdaraanan, iyong frustrations nila ay ibinubuhos nila sa ibang tao,” sabi ni Angelika. “Dapat hindi tayo nagpapa-bully sa mga tulad nila. Kaya ang anak kong panganay si Gabby who is eight years old na, sinabihan ko na huwag siyang papayag na binu-bully siya.”

Sa Trip Ubusan: The Lolas vs Zombies, maba-bash ba siya dahil parang spin-off ng role niya as Geneva sa Ika-6 Na Utos na si Madam Eva?

“Dapat siguro panoorin muna nila kung sino si Madam Eva para malaman nila kung bakit siya masungit na tulad din nga ni Geneva sa aming afternoon serye. Dapat ba siyang awayin o kaawaan?  Ngayon na po ang opening day namin sa paborito niyang theaters nationwide.”

Paolo lumabas ang landi kay Martin

Hindi naka-attend ng Eat Bulaga last Monday si Paolo Ballesteros dahil inumaga pala sila ni Martin del Rosario sa taping ng teaser ng bagong serye na gagawin nila para sa Cignal Entertainment na mapapanood na simula sa January, 2018, ang Born Beautiful. Muli kasi siyang gaganap bilang si Trisha na ginampanan niya noon sa Die Beautiful. Hindi raw naman siya nagkaproblema na tanggapin ang offer ni Direk Jun Lana, dahil showing na ang movie nila today ng mga lolas na Trip Ubusan: The Lolas vs Zombies at isusunod na niya ang big promo nila ng movie niyang Barbi, D’ Wonder Beki na showing naman sa November 29.

Inamin ni Paolo na nagulat siya na hindi na si Christian Bables ang gaganap ng Barbs sa Born Beautiful at pinalitan na siya ni Martin, na ikinakilig daw naman niya. Ayaw i-preempt ni Paolo kung paano papasok ang role niya bilang si Trisha sa Born Beautiful.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: