Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Bagong lalaki ni Heart, may hawig kina Song Joong-Ki at Dennis!

Heart Evangelista

Nagpakaligayang muli ang mag-asawang Senator Chiz Escudero at Heart Evangelista nitong nakaraang mga araw.  Nagpainit na naman ng katawan si Heart sa suot niyang black swimsuit at two-piece bikini.

Matapos patulan ang isang basher na lumait sa hindi pa niya pagkakaroon ng anak, chill-chill na siya sa beach. Sa pagbabalik niya sa taping ng My Korean Jagiya, may dagdag na Korean actor siyang makakasama bukod kay Xander Lee, si Andy Ryu.

Lumabas si Andy bilang si Hwaran Dae Nam-Bo sa historical K-drama na Queen Seodok na ipinalabas sa GMA nu’ng 2010. May hawig daw siya sa K-actor na si Song Joong-ki at Kapuso actor Dennis Trillo.

Agree kaya si Manay Lolit at ikaw, Salve A.?

(Check ko munang maigi tito kung pasado ha. Hahaha. - Salve A.)

Aktor gumamit ng talong para magkabukol

Naglabasan na ang post-kuwento sa nakaraang fashion show ng isang clothing brand lalo na sa mga artistang lalaki na nagsuot ng underwear.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

‘Yung isang artistang may foreign blood, malaki ang bukol nang lumabas sa stage. Pero nu’ng curtain call na, umimpis na ang bukol niya, huh!

‘Yung isang aktor naman, gulay na talong daw yata ang ginamit na props para humaba ang kargada niya habang ‘yung iba naman ay halatang may padding ang underwear nila, huh!

Pero ang ikinalungkot ng nanood ay ang kawalan ng ganang pumalakpak sa isang sumikat na young actress. Nawalan na raw kasi ng ganda ang maamo niyang mukha at walang ka-appeal-appeal, huh!

‘Pag ganyan kasing malalaking event na may mga artista, ‘yun talagang sikat ang pinapalakpakan ng mga tao, huh! Nagmumukhang kawawa tuloy ang mga naimbitahang stars na lesser ang kategorya, huh!

Alden ‘di nakasipot premiere night ng ubusan

Hinahanap si Alden Richards ng fans sa premiere night ng Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies. Present din kasi si Maine Mendoza bilang pagtanaw ng utang na loob sa tatlong Lolas na umalalay sa career niya, sina Lola Nidora (Wally Bayola), Lola Tidora (Paolo Ballesteros) at Lola Tinidora (Jose Manalo).

Nasa taping sa Laguna si Alden para sa Magpakailanman. Malayo ang location kaya hindi na siya nakahabol pa.

In fairness kay Meng, tinapos niya ang buong movie at saka nag-tweet na panoorin ngayong araw na ito ang pelikula.

Pang-fans ang dating ng Trip Ubusan. Kumpletos rekados dahil hindi lang comedy ang hatid kungdi may aksyon, drama at horror pa. Kabilib-bilib din ang presence ng zombies dahil nakakatakot silang talaga, huh!

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: