Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Ryan naaksidente sa motor, napuruhan ang tuhod!

Na-miss na ng ilang araw si Dabarkads Ryan Agoncillo sa Eat Bulaga. The other day, dumating siya sa Broadway Studio para bisitahin ang mga kasama sa noontime show at magpaalam na rin dahil kailangan pala niyang maoperahan sa isang knee injury nang bumagsak siya para sa motor training last Sunday.

“I drained about 44cc of fluid from my knee to relieve pain and swelling,” kuwento ni Ryan. 

“Also had an MRI to search for tears in the joint and also had my lower back checked na din.”

Sa Sunday, November 5, ooperahan si Ryan. Hopefully raw after two weeks of rest, puwede na siyang bumalik. “But if reco­very is retarded, I’ll be back pa on December 1. Mami-miss ko ang mga Dabarkads! Hinay-hinay muna ako sa pagmomotor dahil I’m looking forward sa bakasyon ng aking pamilya.”

Nagkataon pa namang nasa Taipei, Taiwan noon ang wife niyang si Judy Ann Santos na nagsu-shooting ng Ang Dalawang Mrs. Reyes kasama si Angelica Panganiban at sina Joross Gamboa at JC de Vera para mag-attend ng Gay Pride Parade 2017 bilang bahagi ng movie ng Quantum Films at Star Ci­nema.

Jennylyn first time nag-undas para kay Mommy Lydia

One year nang wala sa pi­ling ni Jennylyn Mercado at ng anak niyang si Jazz ang kinilala niyang ina, si Mommy Lydia.  October 29 nang pumanaw si Mommy Lydia kaya nag-post si Jennylyn sa kanyang Instagram account ng: “I remember my first day without you... I’ve never been the same.... I miss you so much Mama Lyds... #1st year”

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Kahit si Jennylyn, sinabi niyang kailangan niyang mag-move on dahil may anak siyang umaasa sa kanya. Wala na raw kasi siyang ibang masasandalan kung may mga oras na nahihirapan siya. Nagpalakas siya ng loob.

Kaya nagpasalamat si Jennylyn na nakatulong sa kanya ang mga kaibigan na nakakaintindi sa kanyang kalagayan. Nagpasalamat siya sa boyfriend na si Dennis Trillo na laging nasa tabi niya sa mga oras na iyon.

Ipinagpasalamat din ni Jennylyn na pumayag ang amang si Papa Noli na bumalik na ng Pilipinas mula Korea para makasama nila ni Jazz. At mas lalo ring nagtuon ng pansin niya si Jennylyn sa kanyang trabaho, movies and TV shows. Iyon daw ang naging therapy niya para mabilis na maka-move on.

Sa ngayon, hindi raw niya nakakalimutan na ­la­ging alalahanin si Mommy Lydia na nagbigay ng lakas sa kanya simula pa noong magkasama na sila hanggang sa huling sandali ng buhay nito dahil sa pneumonia.

May tinatapos na movie si Jennylyn para sa coming Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December na balik-tambalan nila ni Derek Ramsay for Quantum Films.  At may nakatakda rin silang sisimulang teleserye ni Dennis sa GMA 7 early 2018.

Mag-asawang Regine at Ogie tuloy ang payanig sa Amerika

Pagkatapos ng very successful two-night R3.0 concert ni Regine Velasquez-Alcasid sa MOA Arena, kasama nila ng asawang si Ogie Alcasid ang buong pamilya nila para sa US concert tour nilang Mr. & Mrs. A. Nagsimula na ang tour last October 29 sa Pittsburg, California.  Sa Friday naman, November 3, sa Las Vegas. Sold out na ang concert nila sa New York sa Sunday, November 5, gayundin sa show nila sa Saturday, November 11, sa San Diego, California. Sa Sunday, November 12, na ang last leg ng tour nila sa Los Angeles, California.  Ang concert tour ay produced ng Star Media Entertainment.

Magmahalan... ng Kapuso mas maganda noong 2015

Ipinalabas na sa 24 Oras last October 30, ang GMA Christmas lyric video na MaGMAhalan ng Buong Puso. Tampok sa video sina Alden Richards, Mikee Quinto, Julie Ann San Jose, Maricris Garcia-Cruz, Nar Cabico, at Aicelle Santos.

Pero para sa netizens pinakamaganda pa rin ang GMA Christmas Station ID noong 2015, ang MaGMAhalan Tayo Ngayong Pasko.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: