Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Yassi pumiyok sa sapawan nila ni Yam!

Nai-insecure nga ba si Yassi Pressman, dahil mas naka-focus ngayon kay Yam Concepcion, ang role bilang kapareha ni Coco Martin, sa top series na FPJ’s Ang Probinsyano?

E, ang ganda rin ngayon ni Yam. Bukod sa sobrang nag-improve ang kanyang acting.

Well, ang reaction ni Yassi to this observation ng ilang nagmamalasakit sa kanya, ay walang dahilan para ma-insecure siya kay Yam.

Sina Yam at Coco kasi ang madalas na magkaeksena sa series.

On her end nga naman, may sarili siyang exposure. And most of the time with Susan Roces, na gumaganap bilang lovable and loving lola ni Coco.

To this day daw, matindi ang pasasalamat ni Yassi kay Coco at sa series na FPJ’s Ang Probinsyano as a whole, since malaking tulong ang ginawa nito sa kanyang showbiz career. Not only is she getting endorsement one after the other, may bago pa siyang movie with Sam Milby, with no less than Viva Films producing it.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Piolo ​iniyakan si Toni

May isang eksena raw sa soon-to-be released movie na Last Night, kasama si Toni Gonzaga, kung saan he really cried like a baby, ayon kay Piolo Pascual. But he refuse to elaborate kung anong particular eksena ito.

At ang nakakatawa raw, it has been a while mula nang huli siyang umiyak, pero hindi para sa isang eksena sa isa niyang movie, kung hindi sa isang expedience. Na, natural lang na ayaw niyang ibunyag.

Pero masaya raw siya na sa reunion movie nila ni Toni, ang pinili niya ay Last Night.

Hindi lang daw dahil kakaiba ang dating ng kuwento, na isinulat ng aktres na si Bela Padilla, kung hindi marami rin sa moviegoers ang makaka-relate, kasama na ng millennials.

As most everyone know by now, Last Night is produced by Spring Films, which he co-owns with Direk Joyce Bernal, plus Star Cinema at N2, na pag-aari ni Neil Arce at Boy2Quizon.

Joshua, McCoy, Nash, at Jerome hahatulan​!

Ngayong gabi na ang first airing ng series na The Good Son. Time na for every televiewer to judge which among the four young Kapamilya actors, Joshua Garcia, McCoy de Leon, Nash Aguas, at Jerome Ponce, who will shine the most, as The Good Son progresses.

Can anyone make a wild guess as well, kung sino ang good son among the four?

Ang apat ay magkakapatid na magkaiba ang ina (ginampanan nina Eula Valdez at Mylene Dizon). Sina Jerome at Nash ay anak ni Eula. Sina Joshua at McCoy ni Mylene.

In any case, ang magkakapatid sa ama ay sina Joshua, Nash, at Jerome but not until their father’s death did they know na magkakapatid sila.

And here’s the rub. Ayon sa autopsy ni Albert Martinez, (na siyang gumaganap na ama) lason ang naging sanhi ng pagkamatay nito at isa sa kanyang mga anak, pati na rin si McCoy, ang pinagbibintangan.

Manny Palo at Andoy Ranay, who co-direct The Good Son, this early swears na wala silang ideya kung sino ang ‘pumatay’ kay Albert. Ganun din kung sino sa apat ang the good son.

A Dreamscape Television Entertainment, headed by Deo Endrinal, The Good Son also stars John Estrada and Ronnie Lazaro. Featured din ang mga young actress na sina Loisa Andalio, Elisse Joson, at Alexa Ila춃ad.

In a very special role ang senior actress na si Liza Lorena.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: