Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Edward at Marco matatas na sa Tagalog!

Nakaka-touch at nakakatuwa ang pagdalo ng maraming Kapamilya stars sa premiere last Wednesday ng pelikulang Loving In Tandem na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

No wonder na grinning from ear-to-ear ang mga bida ng Loving In Tandem, na pawang mga baguhan sa game of acting. Ang aming tinutukoy ay ang mga former Pinoy Big Brother (PBB) Lucky 7 housemates na sina Maymay Entrata, Kisses Delavin, Marco Gallo at Edward Barber.

Ang agang dumating nina Raymund Dizon, business Unit head ng PBB, at Cynthia Jordan, part ng executive team ng nasabing reality show. They were later joined by Direk Rory Quintos na nauna nang nag-pinpoint kay Edward na pwedeng maging artista.

Present din si Liza Soberano. Sayang at hindi nakarating ang ka-loveteam ni Liza na si Enrique Gil na crush pa man din ni Maymay. Malamang ay may shooting siya ng pelikula nilang Seven Sundays, co-starring him with Aga Muhlach, Dingdong Dantes, Cristine Reyes at Ronaldo Valdez.

Namataan din namin sina Marlo Mortel at Elisse Joson, na nakasama nina Edward, Maymay, Kisess at Marco sa loob ng Bahay Ni Kuya.

Of course, the entire cast of Loving In Tandem ay dumating, sina Ryan Bang, Thou Reyes, Carmi Martin, Ketchup Eusebio, etc.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pinakamasaya rin, no doubt, si Direk Giselle Andres, who was at the helm of Loving In Tandem.

Ang tatas nang mag-Tagalog nina Edward at Marco. They are now parehong conversant in our national language.

Edward was both born and raised in Germany. Italian to the max naman si Marco.

Ganun pa man, pareho silang nakakaintindi ng Tagalog dahil pawang mga Filipino ang kanilang mga ina.

Pretty certain si Direk Giselle na magugustuhan ng mga manonood ang Loving In Tandem, kapag may nag-dialogue sila in Tagalog.

Inamin pareho nina Edward at Marco na napakalaking tulong sa kanila sina Maymay at Kisses, dahil nagsilbi silang tutor ng dalawa.

Mga malalapit kay Sharon walang malay sa kanyang pinagdaraanan

Ayon kay Helen Gamboa, wala raw siyang ideya kung ano mang emotional and physical issues ang pinagdaraanan ng pamangking si Sharon Cuneta.

They have not been in touch for quite a while, ani Helen, nang makausap namin siya sa presscon ng kanyang bagong series na Super Ma’am na pagbibidahan ni Marian Rivera-Dantes para sa GMA 7.

Sharon considers Helen her favorite auntie. She’s her mom’s, the late Elaine Cuneta, youngest sister.

Kung sa bagay, kahit si Moe Bien na dating mayordoma ni Piolo Pascual, na ngayon ay artista na rin, kahit daw siya ay walang ideya sa pinagdaraanan ni Shawie. Basta ang alam niya raw ay may ‘dinadala’ ito, since nababasa nga niya sa social media.

Co-stars sila ni Sharon sa indie film na Ang Pamilyang Hindi Lumuluha. At galing na galing daw siya kay Sharon bilang aktres. Sana nga raw ay magkasama silang muli. Which Moi doubts will happen soon, dahil ang susunod na project ni Sharon sa Star Cinema ay pagsasamahan nila ni Robin Padilla.

How about Piolo? Wala ba siyang balak sumama sa kahit anong project nito, mapa-TV o pelikula?

“Well, if he asks me, why not?” ang pa-Ingles pang sagot ni Moi.

 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: