Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Juday pinasaya ang mga sundalo sa Marawi!

Nadagdag si Judy Ann Santos sa listahan ng showbiz celebrities na bumisita sa mga sundalo sa Marawi City.

Sa kanyang Instagram, kasama ni Juday ang isang grupo na may caption na, “Para sa mga bayani! Walang matutulog! Excited akong ma­kamayan kayo isa isa! #soldersofmarawi #lingkodkapa­milya.”

Touched naman ang isa niyang follower na si @mrseyahdefeles. “Thank you Ms Juday. Malaking tulong po yan sa ating mga bayani. Isa po ang kapatid kong sundalo ang namatay sa Marawi last July 25. At isa din po akong alagad ng batas na naglilingkod sa Bayan. Maraming mara­ming salamat po sa pagmamahal sa amin.”

“Queen Juday take care you have a big heart that’s why you have lots of fans more blessings and coun­ting,” sey naman ng IG follower na si @amyjudayfan.

“From this preggy army wife who kept on crying whenever a soldier in Marawi dies, maraming-mara­ming salamat, Ms @officialjuday.” -@royaldomesti­city.

Bago si Juday, ang ilan pang matatapang na artistang pumunta talaga sa Marawi ay sina Angel Locsin at Solenn Heussaff.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Janella mabilis umoo sa proposal ni Elmo!

Kinuntsaba ni Elmo Magalona ang director, staff and crew ng Regal movie na My Fairy Tail Love Story para sa isang sorpresa. Debut ng character ni Janella Salvador ang eksenang kinukunan at sa gitna ng eksena, biglang naglabas ng isang poster na ang laman ay proposal kung puwede siyang maging date sa Star Magic Ball.

Nabisto tuloy sa poster ang terms of endearment nilang dalawa, huh!

“Roses are red,

“Hello Kitty! You brighten up my days like sunshine and cotton candy. To waste this opportunity would be a pity…

“Princess, will you go to the ball with me? Meow.”

Mangiyak-ngiyak naman si Janella sa sorpresa sa kanya ni Elmo na nakunan ng pictures na nasa Twitter account ng Regal Films.

Siyempre, wala nang eklay pa si Janella at yes agad sa proposal ni Elmo, huh!

After maglabasan ang proposal ni Elmo, hayun at gumaya rin ang isang younger loveteam sa kanila, huh!

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: