Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Safe vaults idinispley Sharon inihahabilin na ang mga alahas at papeles kay KC!

Naaliw naman kami sa sagutan ng mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion sa Instagram kahapon.

Nag-post si Megastar ng larawan ng kanyang safe vaults na ayon sa kanyang caption ay pinagtataguan niya ng kanyang mga alahas, mahahalagang dokumento at iba pang importanteng memorabilia.

“Now I will post my jewelry... hahahaha! Sorry! They’re in these hidden fire-proof safes along with important documents, love letters (ahem...), old photo negatives, photos, etc., etc.. There is also a 6-ft. tall safe I just ordered from the same company. And my Mommy gave me a 6 or 7-ft. tall safe also years ago. @itskcconcepcion,” ang caption ni Shawie sa larawan ng vaults at kapansin-pansin na sa dulo ay naka-tag si KC.

Nag-comment si KC ng “mom why are you tagging me” at sinagot naman ito ni Shawie.

“I just want! So if i die you know what else i have tange!” sagot ni Shawie.

Ang daming natawa at nakyutan sa sagutan ng mag-ina lalo na nga ang pagtawag ni Sharon ng “tange” sa anak.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Alex absuwelto sa ginawa kay Luis

Alex Gonzaga has learned her lessons sa nakaraang 33rd PMPC Star Award for Movies kung saan nga ay nakapabitiw siya ng “bad joke” kay Luis Manzano.

Aniya ay ganu’n daw kasi talaga sila magbiruan ni Luis at ang pagkakamali lang niya ay nakalimutan niyang nasa awards night siya.

“I really meant no harm. Kami ni Kuya Luis, pag nagkikita talaga kami, parang pinakamasasamang maiisip mo, ‘yun ang parang aming affection sa isa’t isa.

“So, siguro, nu’ng nakita ko siya, nawala lang ako sa lugar, nakalimutan ko na it was an awards show. So, I apologized right away sa ­ating mga press people because you know, I really love PMPC because ilang beses na rin naman akong nakapag-host, nanalo na rin ako ng award, and even my sister (Toni Gonzaga).

“So, siyempre, naano ko na kung na-offend sila, so sabi ko kay Kuya Luis, ‘pag may mga awards, huwag ka na magpapakita kasi parang agad-agad ang iniisip ko, bastusin ka’,” sabi ni Toni nang makausap ng press sa taping ng I Can See Your Voice na bagong show nila ni Luis sa ABS-CBN.

Pero thankful daw siya kay Luis na talagang tinulungan din siyang i-settle ang misunderstanding with PMPC members and officers.

“Siya rin nag-explain sa mga press that it was really a joke and really, I meant no harm and talagang siguro, may mga blunders lang talaga in the world.”

Pinagsabihan nga raw siya ng ate niya na mag-quit na lang sa showbiz dahil sa ginawa niya.

“Ang ate ko, may point siya na mag-quit na lang daw ako ng showbiz, ganun’g level, ba’t daw ganu’n ‘yung mga ano ko. Pero ano naman, sa akin, kasi, parang at least, ano, I’ll just charge it to experience, ‘yung nangyari na minsan, be careful,” sey pa ni Alex.

Thankful din siya sa PMPC members dahil naintindihan naman daw agad ang paliwanag niya at tinanggap agad ang pagso-sorry niya.

Si Alex ang tatayong isa sa Sing-vestigators sa I Can See Your Voice habang si Luis naman ang host.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: