Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Matapos isnabin? Heart naungusan si Gretchen sa Elegant Filipinas

Heart

Kinabog ni Heart Evangelista si Gretchen Barretto sa listahan The Elegant Filipinas (ni Ms. Tingting Cojuangco).

“Blessed and grateful to be part of this year’s TingTing’s List: The Elegant Filipinas for the benefit of the Cen­ter for Possibilities Foundation for special children. Tonight’s highlight is the sale of art pieces rendered by children with autism - something very close to my heart. Let’s all encourage the artistic potential of kids, especially of these special children,” sabi ni Heart sa pagkakasama niya sa napisil ni Ms. Cojuangco.

Kilalang ibinabande­ra ni Gret­chen ang mga ma­mahalin niyang isinusuot kaya nagtataka ang ilan na naisahan siya ni Heart.

Ang konek, uma­no’y inis­nab ni Gret­chen sa event ng isang beauty clinic kamakailan si Heart. As in dinaanan lang daw nito si Heart.

Anyway, given naman daw na hindi mapapasama si Gretchen sa nasabing listahan dahil nga sa pagiging Cojuangco ng partner nitong si Tony Boy Cojuangco.

Or baka naman may gusto lang pag-awayin sina Gretchen at Heart kaya iniintrigang ini-snub nito ang Kapuso actress?

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Career ni John Lloyd in limbo pa?!

Makaaapekto kaya si Ellen Adarna sa career ni John Lloyd Cruz o matatanggap ng fans ang kanilang set-up?

Nakatakda raw sanang pumirma ng panibagong kontrata ang actor sa kanyang home studio. Pero as of this writing, wala pa raw usapan sa pananatili ng actor sa ABS-CBN.

O matatakot ang ABS-CBN dahil nga baka nadungisan ang imahe ng actor sa pagpapakatotoo nila ng sexy star?

Malalaman ang tumpak na kasagutan ng kapalaran ng career ni John Lloyd pag pinapirma siya ng panibagong kontrata.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: