Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Angel pinayuhang bawasan ang pagiging mapagpatol

Angel Locsin

Oh ‘di ba nabuhayan ng dugo ang fans ni Angel Locsin sa pagbabalik nito sa La Luna Sangre na hindi siya nahirapang mapapayag dahil gusto rin niyang makatrabahong muli si Richard Gutierrez? Sob­rang natuwa ang fans sa muling pagtatagpo ng ChardGel loveteam na kinikilig sa kanilang mga moment kahit magkalaban ang dalawa sa series.

Excited ang lahat sa mga kaabang-abang na eksena nina Richard at Angel na marami ang nagpasalamat dahil lalong gumanda ang La Luna Sangre sa pagba­balik ng aktres. Natuwa rin si Angel sa pagpapasalamat nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil muli nilang makakasama ang mahusay na aktres sa serye. Excited ang fans kung paano magkukrus ang landas nila nina Kathryn at Angel at maging sa pagsasanib ng kanilang puwersa.

Walang isyu kay Angel kung guest lang siya uli o gawing permanente sa serye.

Tama naman si Angel sa naging dialogue nito na wala na siyang dapat patunayan. Hindi rin iniinda ni Angel ang kanyang likod dahil kahit strict ang kanyang doctor, alam ng aktres ang kanyang limitasyon pagdating sa paghataw sa action scenes. 

Basta game ang aktres na ibigay ang kanyang best sa series. Tinupad lang ni Angel ang wish ng mga fans at sa pakiusap ng management na ibalik siya sa La Luna Sangre.

 Samantala, pinayuhan din ng fans si Angel na tigilan na ang pagpapatol sa bashers o piliin lang ang mga papatulan.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: