Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Meg pumayat nang mawalan ng depresyon!

Meg Imperial

Malaki na ang ipinayat ni Meg Imperial.

Ayon sa aktres, tapos na raw ang anumang depression na nararamdaman niya sa kanyang sarili noon. Kaya maayos na raw niyang naalagaan ang sarili niya.

“Kapag depressed kasi ako, napapakain ako ng marami. Kaya alam ng mga friends ko na kapag mataba ako, may pinagdaraanan na naman akong mabigat.

“Pero nitong mga nakaraang months, wala na akong gano’n ngayon. Super happy ako kaya heto natututukan ko ang health ko, nakakapag-workout ako.

“So this is the new Meg Imperial. Mas confident at mas masaya,” ngiti pa niya.

May inspirasyon nga raw kasi si Meg ngayon at isa itong non-showbiz guy. Dating pa lang daw sila at wala pa sila sa seryosong ligawan.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

“I’m still getting to know this guy. Although ilang months na kaming lumalabas, hindi pa siya ‘yung pormal na nanliligaw sa akin.

“Mas gusto ko kasing mabuo ang friendship naming dalawa.

“Tsaka with my work sked kasi, may times na hindi ako nakaka-oo kapag nagyayaya siyang lumabas. Inuuna ko muna itong trabaho natin.

“At hindi naman ako nagmamadaling magkaroon ng boyfriend sa ngayon. I want to be productive this year. Okey lang ang dating, pero wala munang serious relationship,” diin pa niya.

Kasama si Meg sa bagong primetime teleserye ng GMA-7 na Super Ma’am kung saan isa siya sa magiging kontrabida ni Marian Rivera.

Aktres hindi nakakalabas na hindi namumula ang mukha at labi

Masyado ngang pinagkakaabalahan ng female celebrity na ito ang pagpapaganda ng mukha. Hindi na siya nakikitang walang makeup sa mukha at kapag feeling niya ay nabubura na ang makeup, mabilis siyang nagre-retouch kahit na nagmamadali pa siya.

Kuwento nga ng isang makeup artist na nakatrabaho ang female celebrity sa isang magazine shoot na sobra raw itong nahilig na sa makeup.

“In fairness, maganda naman siya kapag wala siyang masyadong makeup. ‘Yung fresh lang. Mas mukha siyang bata,” sey ng makeup artist.

“Yung napipili niya kasing makeup na ilagay, nagpapatanda sa kanya. Hindi bagay sa edad niya. Kaya sa magazine shoot nga, gusto kong ibahin ang makeup niya kasi nga masyado siyang nagiging mature, eh bata pa naman siya.

“Yun din ang bilin sa akin ng photographer. Ibahin ang makeup niya para magmukha siyang fresh na fresh.”

Maayos naman daw ang pag-ayos ng makeup artist sa female celebrity. Hindi ito tumanggi sa anumang makeup na ilagay sa kanya. Noong kukunan na ito, nag-excuse lang ang female celebrity para mag-CR. Paglabas niya ay nagulat ang makeup artist dahil parang may naiba sa ginawa niyang makeup.

“Nalokah ako at mabilis niyang nadagdagan ang nilagay kong makeup. Hindi naman niya binura pero may dinagdag lang siya.

“Hindi naman ako na-offend sa ginawa niya. Actually natawa ako kasi ang bilis niyang i-blend yung dagdag niyang kulay. Para siyang magikera! May instant makeup siya agad,” sey pa ng makeup artist.

After ng photo shoot ay nag-sorry ang female celebrity sa makeup artist sa pagdagdag niya sa makeup nito. Inamin niya na hindi siya makakaharap sa anumang kamera kung wala ‘yung partikular na makeup na iyon. Kaya hindi raw puwedeng mawala sa mukha niya ang noseline, white eyeliner at pulang lipstick.

Naintindihan naman ng makeup artist ang female celebrity. Nababasa naman nito ang mga pintas sa female celebrity noong nagsisimula pa lang ito. Laging inookray ang kanyang pananamit at ang makeup nito.

Pitch Perfect 3 actress na si Rebel Wilson wagi sa mag na nag-report ng maling edad

Nanalo ang comedienne na si Rebel Wilson sa sinampa niyang lawsuit laban sa isang magazine publication.

Nag-file ng defamation case ang Pitch Perfect 3 actress laban sa Bauer Media dahil sa pag-print nito na nagsisinungaling siya tungkol sa kanyang edad, totoong pangalan at pati na ang paglaki niya sa Australia. Kinuwestiyon din ng magazine ang kanyang claim na isa siyang lawyer by profession bago siya naging artista.

Dahil sa lumabas na article ng magazine, dalawang trabaho ang nawala kay Wilson kaya hindi niya pinakawalan ang pagkakataon na bawian ang naturang publication with a lawsuit.

Heto ang naging verdict ng judge pagkatapos ng tatlong linggong trial with an all-female jury: “The extent of the publication of the defamatory imputations was unprecedented in defamation litigation in this country.”

Binayaran si Wilson ng publication ng $4.56 million.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: