Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Mga ka-berks ni Ellen pinagso-sorry sa ginawa kay John Lloyd!

Ellen Adarna

Nakaramdam kaya ng some kind of horror si Miles Ocampo, nang sa presscon ng kanilang soon-to-be released horror film na The Debutantes, kasama ang kapwa Star Magic talents na sina Sue Ramirez, Michelle Vito at Jane de Leon, plus Channel Morales, formerly a TV 5 contract talent and now being managed by ALV Ta­lent Agency, kinuyog siya ng entertainment writers   at tinatanong ang kanyang reaksyon sa controversial video ni John Lloyd Cruz, na nag-viral sa social media.

Pero dahil, sa totoo lang daw, wala siyang alam tungkol sa mga pangyayari, nag-smile na lang siya bilang sagot sa mga tanong.

Inaamin ni Miles, na bagama’t close siya pareho kina John Lloyd at Ellen Adarna, nakakasalamuha lamang daw niya ang mga ito, tuwing may taping sila sa Home Sweetie Home. At bilang co-workers, sina John Lloyd at Ellen Darna ay parehong mabait.

Well, by now, halos lahat ay nakapanood na sa naturag vi­deo. Na ayon kay Luis Manzano, he found nothing wrong. Feel niya (Luis), hindi na kailangan magpaliwanag ni John Lloyd.

Sapat nang nag-apologize na raw ito sa mga kabataang nakapanood ng video.

In a way, kung sa bagay, marami ang of the same opinion na ibinigay ni Luis. Including entertainment writer Ricky Lo, na ang feeling pa nga, ang dapat mag-apologize ay ang itinuring pa namang kaibigan ni Ellen na nag-upload ng video.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Of The Debutantes, para kay Miles ay hindi lang ito ang kanyang biggest break kung hindi para rin sa co-stars na sina Sue, Chanel, Michelle at Jane.

Directed by Prime Cruz, na siya ring namahala ng Pista ng Pilipino (PPP) entry, Ang Manananggal sa Unit 23-B., ito rin daw ang first horror movie ni Miles.

A “graduate” of the gag show, Goin’ Bulilit, Miles has appeared in a number of movies before, such as I’ve Fallen For You, A Very Special Love, You Changed My Life, BFF: Best Friends Forever and Paano Na Kaya.

Ask kung may boyfriend na siya, Miles merely smiled again.

Maymay ginagamit ang utak!

Ang ganda ng reaction, sa totoo lang, sa team-up nina Maymay Entrata at Edward Barbers, well, based sa reaction ng mga taong nanonood at nakapanood na ng currently showing na first movie nila, Loving In Tandem.

Kung sa bagay, maganda naman talaga ang pelikula. Sobra ang appeal nito, lalo’t sa millennials, na tulad nina Maymay at Edward.

At, tulad nga ng pangako ng direktor ng Loving in Tandem na si Giselle Andres, nagki-create ng non-stop laughter ang pelikula, bukod sa nakaka-in love rin.

In any case, kahit daw naging mas malapit sa isa’t isa sina Maymay at Edward, wala pang romansang namamagitan sa dalawa. Which is just as well, ani Maymay, dahil ayaw niyang maging conscious sila ni Edward sa isa’t isa.

Besides, she doesn’t think, susog pa niya, na either her or Edward is prepared na for a relationship. Minsan daw kasi, napag-uusapan nila ni Edward na dapat dibdibin nila ang lahat ng magagandang pangyayari sa kanila, career wise. It’s not everybody, after all, that in their first movie team-up pa lamang, bida na sila.

“More than everything else,” saad pa ni Maymay, “di ko dapat kalimutan ang pinangako ko sa aking pamilya, na bago ang aking personal na buhay, sila muna ang gusto mong makaranas ng ginhawa.”

Carmina natuloy din sa GMA

It looks like confirmed na ang pagiging Kapuso ni Carmina Villaroel, dahil pagkatapos nilang ma-feature ng asawang si Zoren Legaspi, plus their twins Mavy and Cassy, sa ongoing travel show ng network, mapapanood naman si Carmina sa Super Ma’am na pagbibidahan ni Marian Rivera.

In any case, for those interested, gumaganap si Carmina bilang ina ni Julia Barretto sa kasalukuyang showing na kumikitang movie ng Star Ci­nema, ang Love You To The Stars and Back.

Directed by Antoinette Jadaone, Love You… teams up Julia with Joshua Garcia.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: