Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Miracle baby nina Sec. Villar at Rep. Em one year old na

DPWH Secretary Mark Villar at Emma Therese

Carbon copy ni DPWH Secretary Mark Villar si Emma Therese, ang one and only daughter nila ng kanyang misis na si Diwa Party-List House Representative Emmeline Aglipay-Villar.

First time ko na nakita nang personal ang bagets na nagpapaligaya kina Em at Papa Mark.

Isang miracle baby si Emma Therese dahil may lupus disease ang nanay niya pero nagbuntis pa rin at nagsilang ng isang healthy baby girl.

Nagkita kami kahapon nina Papa Mark at Em sa World Lupus Day celebration na sinabayan ng surprise lunch para sa 35th birthday ni Em, ang founder ng Hope for Lupus Foundation.

Gladys super selfie bago nanganak!

Congrats sa mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas dahil isinilang kahapon ng aktres ang kanilang youngest son na si Gavin Cale.

Nagsilang si Gladys sa Asian Hospital and Medical Center sa Alabang, Muntinlupa dahil dito may clinic ang doktor niya.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Bago siya ipinasok sa delivery room, super selfie si Gladys at nagpasalamat sa lahat ng mga nagdarasal para sa kanyang ligtas na panga­nganak.

Mother’s Day movie ni AiAi, blockbuster!

Ang good news na blockbuster ang Our Mighty Yaya ang nakarating sa akin pagkatapos ng birthday celebration ni Congresswoman Em Villar.

Ang Our Mighty Yaya ang drama comedy movie ng Regal Entertainment Inc. na pinagbibidahan ng Comedy Queen na si AiAi delas Alas at nagbukas kahapon sa mga sinehan.

Congrats kay AiAi at sa mga producer ng Our Might Yaya, ang mother-and-daughter team nina Mother Lily at Roselle Monteverde.

Sa Linggo ang Mother’s Day kaya inaasahan na lalong madaragdagan ang audience ng pelikula na may puso at click na click sa masa, base sa reaksyon ng mga dumalo sa premiere night sa SM Megamall Cinema 1 noong Lunes.

Favorite actress ni Mother si AiAi dahil magaan ito na katrabaho. Bago pa ipinalabas ang Our Mighty Yaya, nangako si Mother na bibigyan niya ng another project si AiAi.

AiAi,  ‘di na mahagilap ang mga prosti sa area

Natanggap na ni AiAi ang best actress trophy na napanalunan niya sa ASEAN International Film Festival & Awards.

Nagpatawag kagabi ng presscon ang producer na si Baby Go para pormal na ibigay kay AiAi ang acting award mula sa AIFFA.

Si Baby ang produ ng Area, ang indie movie na nagbigay kay AiAi ng best actress award.

Tungkol sa mga pokpok na may edad na pero nagbebenta pa rin ng panandalian na aliw ang kuwento ng Area.

True story ang Area at buhay na buhay pa ang babae na pinagbasehan ng karakter ni AiAi at residente ng Pampanga.

Pero sa kasamaang-palad, wala na ang A­rea dahil bigla itong naglaho mula nang mapanood sa pelikula ang activities ng mga ageing prosti.

Gustung-gusto pa naman ni AiAi na i-share sa oldies prosti ang mga acting award na natanggap niya pero wala nang nakakaalam sa kinaroroonan ng mga babae na biktima ng kahirapan at pagsasamantala ng kapwa.

Muling ipalalabas ang Area sa mga sinehan kaya mabibigyan ng pagkakataon ang publiko na panoorin ang outstanding performance ni AiAi sa most daring movie nito.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: