Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Vilma magtatrabaho, Sunshine masaya na ang Pasko!

Merry Christmas po sa inyong lahat. Inaasahan namin na kayo ay maligaya sa araw na ito kahit na nga sinasabi noong isang araw pa na posibleng mamayang gabi ay madarama na natin sa Metro Manila ang pagsisimula ng bagyong si Nina. Panalangin na lang namin na sana ay lumihis iyon para hindi naman masira ang pagdiriwang natin ng dakilang araw na ito.

Pero bumagyo man, dapat tuloy pa rin ang pagsasaya kung Pasko. Ang araw naman ng Pasko ay hindi para sa panonood lamang ng sine o paglalakwatsa sa kung saan. Ang araw ng Pasko ay paggunita sa kapanganakan ni Jesus. Iyon ang dahilan kung bakit may Pasko. Kaya ang pinakamaganda talaga, magsimba tayo at makasama natin ang ating buong pamilya sa maghapong ito.

Christmas eve, naalala namin ang ilang kaibigan namin sa show business. Sinasabi naming ilan, dahil hindi naman talaga lahat ng kausap mo at kasalamuha ay masasabi mong kaibigan. Maaaring kakilala lamang. Iba iyong mga kaibigan mong itinuturing eh.

Naalala namin si Congresswoman Vilma Santos Recto. Sinasabi nga ni Ate Vi, siguro raw kahit na Pasko magiging parang working day pa rin sa kanya. Kasi nga, malamang nasa Lipa rin naman sila ni Senador Ralph Recto dahil tiyak marami silang mga kababayan na mamamasko, at natural lang naman na kailangan silang pakiharapan. Hindi na nga siya ang governor ng Batangas, pero sinasabi nga ni Ate Vi, concerned pa rin siya dahil sinasabi ngang dadaan doon ang bagyo bago tumama sa Metro Manila kung sakali.

Ang wish lang namin kay Ate Vi, sana naman ay maging maganda pa rin ang celebration ng kanilang pamilya.

Ngayong Pasko, mukhang happy naman si Sunshine Cruz kaysa dati, dahil hindi na naman lihim na mukhang in love na nga siya ulit, at open na sila tungkol doon. Pero hindi pa nga masasabing may relasyon, dahil hindi pa nakukuha ni Sunshine ang annulment ng kanyang kasal kay Cesar Montano.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Confident naman si Sunshine na makukuha niya ang annulment ng kanyang kasal, bagama’t noong una nga ay hindi niya minadali iyon. Hindi rin naman siguro niya naisip na in a short span of time, mayroon siyang makikilalang karapat-dapat sa kanya. Hindi naman talaga pina-plano ang mga bagay na iyan eh. Kusa na lang dumarating. 

Pero kung iisipin, ang dami pala naming kaibigan din talaga. Hindi nga lang lahat taga-showbiz. Mukha na ngang gift shop ang maliit na bahay namin.

Bagets na model na sikat sa social media ginawang pamasko!

Ewan nga ba, kahit na Pasko ay ang hirap palampasin ng tsismis. Noong isang araw, may isang kaibigan kami na nakatanggap ng isang kakaibang Christmas gift. May dumating daw sa bahay niya na isang bagets na model at lumabas din noon sa TV show ng isang major television station. May ibinigay sa kanyang sulat na galing sa isa niyang kaibigan na sinasabing “siya ang Christmas gift ko sa iyo”.

Aba siyempre, dahil pogi naman, pinatuloy ng aming friend ang duma­ting na “Christmas gift”. Pero ang kuwento niya, hindi raw niya akalain na ang bagets na iyon ay maaari ngang maging “Christmas gift” kasi sikat na sikat daw iyon at napakaraming followers sa Facebook at Instagram. Iyan na nga ba ang sinasabi namin eh, kahit na Pasko “sideline”.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: