Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Luis napasagot si Jessy sa ere

Jessy Mendiola at Luis Manzano

Hindi na talaga maitago pa nina Jessy Mendiola at Luis Manzano ang espesyal nilang relasyon. Sa Family Feud aired last Sunday ay naglaro ang aktres kasama ang iba pang co-stars niya sa Mano Po 7: Chinoy at ramdam na ramdam mo talaga that love is in the air.

Tinanong ng host na si Luis si Jessy kung ano ang best gift na natanggap nito sa katatapos lang na kaarawan at sagot ng akres, “eh di ikaw”.

Tuwang-tuwa naman si Luis at sinundan ng tanong na “paano mo nasabi na ako ‘yung best gift na natanggap mo?”

Sagot naman ni Jessy, “kasi, pinapasaya mo ako”.

Nang si Jessy na ang natira sa jackpot round ay muli siyang biniro ni Luis.

“Ang unang katangungan ay: mahal mo ba ako?” sey ni Luis kay Jessy.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Halatang caught off-guard ang aktres pero nonetheless ay sumagot siya ng “oo” at nagkatawanan sila pareho.

‘Yun na!

Julia at Coco huling magkasama!

Magkasama pala sina Julia Montes at Coco Martin sa katatapos lamang na Anak TV Awards kung saan ay pareho silang awardee. Namataan pang magka­tabi ang dalawa at napansin ng media na hindi sila masyadong nag-uusap during the entire event.

Nang makapanayam ng ABS-CBN news, nagpaliwanag si Julia na pareho raw kasi silang kinakabahan ni Coco.

“Siya rin kasi may takot siya sa stage and ako ganun din kaya hindi makapag-usap. Tawanan lang kami nang tawanan,” sey ni Julia.

Nang itanong sa kanya ang tsismis na on the rocks daw sila ni Coco, sambit ng bida ng Doble Kara, “on the rocks? Wala pa ngang on the boat. Wala pa sa boat, wait lang. Relax lang muna tayo.”

Dominic nagsalita sa sustento ng bakla, may bahay, 2 kotse at motor kahit kabagu-bago lang!

Mahusay palang humawak ng pera si Dominic Roque dahil considering na hindi pa naman siya katagalan sa showbiz and yet, nabibili niya ang gusto niya at nabubuhay nang maluwag. Mayroon siyang cars, motorsiklo, panay ang travel abroad at ngayon ay inaasikaso raw niya ang nabiling bagong bahay para sa kanyang pamilya.

“Kahit paano, nakapag-ipon na rin naman ako nang kaunti. Tapos, may house rin akong inaasikaso na which hopefully, next year, makatira doon ‘yung pamilya ko,” pahayag ng aktor.

Sa Cavite pa rin daw ang location ng nabili niyang bahay pero mas malaki kaysa sa kasalukuyan nilang tinitirhan.

“Kasi, plinano ko dati na bili muna akong sariling condo or bahay somewhere. Pero siyempre, naisip ko na bilhan ko muna ‘yung pa­rents ko, ang mommy ko and daddy ko,” kasalukuyan nilang tinitirhan nga­yon. sey pa niya.

Dahil nga marami siyang datung, biniro ng press si Dominic na baka may dyowa siyang bading.

“Wala, siyempre. Ganyan din nga ang tanong sa akin ng iba. Hindi naman maiwasan sa mga artista na mabigyan ng issue about mga bading, eh. Eh di sana, mayroon na akong sariling condo, mayroon na akong mamahaling sasakyan.”

Dalawa lang daw naman ang kotse niya at pinaghirapan daw niya ang mga ito.

“Alam mo ‘yang mga ganyang bagay (pagpatol sa bading), kung totoo man ‘yan, grounded ako ni Tita Juday (Judy Ann Santos). So, alam niya ‘yung nangyayari sa akin,” sambit pa ni Dominic.

Si Dominic ay pamangkin ni Beth Tamayo na best friend ni Juday at ang aktres din ang bale tumatayong mentor niya.

Aminado naman ang aktor na marami siyang natatanggap na offer mula sa mga bading pero never daw siyang tumanggap sa mga ito.

Bukod daw sa pagiging artista ay meron pa raw siyang ibang pinagkakakitaan tulad ng import/trading at marketing. Kapag medyo mahina raw ang raket sa showbiz ay meron pa rin siyang income.

“Kung gugustuhin ko lang magkaroon ng pera at magpasarap sa buhay, ang dami-daming nago-offer diyan, o. Ang daming offer ng condo, ng bahay, ng sasakyan.

“Hindi ako pinalaking ganu’n, eh. Seventeen years old pa lang ako umalis na ako sa bahay namin para magtrabaho,” sey pa ng isa sa bida ng Seklusyon na showing na ngayong Dec. 25 bilang official entry ng Metro Manila Film Festival 2016.

 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: