Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Ate Vi masaya sa love life ni Luis!

MANILA, Philippines - Hindi pa rin mahiwalay ni Ate Vi ang pagiging artista kahit ilang taon na siyang naninilbihan bilang public official. Updated siya sa mga showbiz tsismis at araw-araw ay 11 tabloids ang kanyang binabasa. Kung may time ay nanonood din siya ng mga teleserye at kung may panahon nga lang daw siya ay gustung-gusto niya na makaarte muli sa mga teleserye.

Ngayon ay mas may panahon siyang gumawa ng pelikula kumpara noong gobernador siya. At least isa raw bawat taon at kailangang magandang script at gusto niya ang story. Nanghihinayang nga raw siya nang hindi niya matanguan ang project na inu-offer sa kanya noong June ni Direktor Mike de Leon na isang period movie tungkol sa buhay ni Doña Sisang dela Leon ng LVN Films. Hindi pa raw kasi niya alam ang schedules niya since katatapos lang ng eleksyon at hindi pa siya nakakaupo bilang congresswoman ng Lipa. Hindi lang daw niya alam kung itinuloy ito kahit hindi siya ang gaganap.

Samantala, once a week ay nagkikita sila ng anak niyang si Luis Manzano kaya updated siya sa nangyayari rito. Ang papel daw niya kay Lucky ay payuhan ito sa lahat nga bagay pero hindi niya pinakikialaman ang mga desisyon ng anak at buhay nga naman niya iyon. Alam daw niyang lahat ang mga rason sa sanhi ng mga break-up ng anak pero hindi niya puwedeng ikuwento ito. Okay naman daw ang kasalukuyang karelasyon ni Lucky na si Jessy Mendiola at happy naman ang dalawa sa nakikita niya.

Jacky Woo nagbukas ng pinoy resto

Hindi lang pala pag-aartista ang pinagkakaabalahan ng actor/producer/director na si Jacky Woo. Ngayon naman ay restaurant business ang pinasok niya para rin daw maipakita sa kababayan niya at sa ibang lahi kung gaano kasarap ang pagkaing Pinoy.

Kaya naman kamakailan ay binuksan niya ang Kusina Lokal na isang restaurant na Pinoy food ang isinisilbi sa Centris Walk sa panulukan ng EDSA at Quezon Avenue.

Dumalo sa opening ang ilang mga artistang kasama niya sa Bubble Gang ng GMA-7, mga kasamahan niya sa paggawa ng pelikula sa pangunguna ni Direk Joel Lamangan at mga kaibigan.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Dumalo rin si Ms. Jaclyn Jose at ang kapatid ni Jacky na si Keiji na lumipad pa rito sa atin from Tokyo at kasama siya ni Jacky na nag-cut ng ribbon.
Bumaha ang sari-saring pagkain para matikman ang isinisilbi ng Kusina Lokal.

Bukas ang restaurant ng 24 hours para sa call center agents na nasa paligid ng Centris complex.

                                               

 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: