Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Jessy ikinanta na ang totoo sa kanila ni Luis

Jessy Mendiola

Extended for another season pala ang dalawang reality program na kasalukuyang hinu-host ni Luis Manzano, ang Family Feud, na napapanood tuwing Saturday and Sunday, at Minute To Win It The Last Man Standing, na mapapanood naman Lunes hanggang Biyernes.

Wow, congratulations, Luis.

May dalawang bagong commercial din siyang ineere sa TV.

Ang swerte ni Luis. At masasabing mas lucky ang girl na puwedeng sabihing current love of his life.

Sino ba siya, Luis? Iyan ang tanong.

Sa aming tanong kay Luis, Salve A., guess who kung sino ang nagbigay ng sagot sa amin on his behalf kumbaga.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Well, walang iba kundi ang kanyang rumored current one and only, si Jessy Mendiola. Sa tanong kasi sa kanya ng isang interview, kung ano ang score sa kanila ni Luis, ang kanyang sagot na nakangiti ay, “What you see is what you get.”

Mukhang sinuswerte rin ngayon si Jessy.

Recipient siya, as we all know, ng Best Asia Pacific Star Awards 2016, sponsored by APAN (Asia Pacific Actors Networks), na isa sa top network sa Korea, ang MBC.

Ang MBC ang nag-invite kay Jessy para kanyang tanggapin ang award ng personal.

Now back to work dito sa atin si Jessy. Kasali siya sa Regal Entertainment movie na isasali sa Metro Manila Filmfest (MMFF) 2016 entry, ang Mano Po: Tsinoy, kung saan makakasama niya sina Richard Yap, Jean Garcia, Enchong Dee at ang child actress na si Jana Agoncillo.

Kasama rin siya sa pelikulang Extra Service ng Star Cinema.

Nathalie nagpagalaw sa tatlong lalaki

Sayang, Salve A., at hindi natuloy ang showing kahapon, Wednesday ng Siphayo, na siya sanang magpapatunay kung ang desisyon ng dating si Princess Snell, na magkaroon ng bagong pangalan at bagong “anyo” bilang Nathalie Hart.

For the sake of art, wika nga, marami siyang bold scenes sa pelikula. Hindi lang sa isa kundi sa kanyang tatlong leading men na sina Joem Bascom, Luis Alandy and Allan Paule. May eksena na dahil sa insistent ng kanyang direktor na si Joel Lama­ngan, ibinuyangyang niya ang sarili.

Ganunpaman, huwag tayong masiphayo na ‘di na natin mapapanood ang Siphayo. Request lang daw kasi ng mga kinauukulan ay dagdagan ng SM management ang number ng theaters na palalabasan ng pelikula.

After all daw, maganda ang naging feedback ng Siphayo sa premiere screening nito sa Megamall noong Tuesday.

Bukod nga pala sa Siphayo, nasa cast din si Nathalie ng pelikulang Tisay na kanya ring pinagbibidahan, co-starring her with JC de Vera and directed by Borgy Torre. Kabilang din siya sa cast ng Balatkayo, kasama sina Aiko Melendez at Polo Ravales.

Angel at Zanjoe nangamote sa trabahula

Tulad ni Angel Locsin, hindi rin nahulaan ni Zanjoe Marudo ang trabaho ng trabahador na featured sa TrahaHula segment ng It’s Showtime last Tuesday.

Monday kasi noong mag-guest naman si Angel. At ‘di niya nahulaan sa mga contestant kung sino sa apat ang totoong saleslady.

Sa case ni Zanjoe, mali ang hula niya kung sino sa mga participants ang tunay na basurero. Sa totoo lang, isa sa pinaka-aabangang portion ng It’s Showtime ang TrahaHula, maliban of course sa Tawag ng Tanghalan at Sinong Nanay Mo?

Mga kabataan naman ang mga naglalaro sa Sinong Nanay Mo?

And guess what? Wala sa mga participants o contestant, talo man o panalo, na umuuwing luhaan.

Keep entertaining us, your viewers, It’s Showtime.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: