Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Ate Vi inaapelang bigyan ng help desk ang mga bakla

Vilma Santos

Hindi maikakaila na maraming fans si Vilma Santos na nagmula sa gay community. In fact, ang karamihan sa mga aktibo at namumuno sa kanyang fans club ay aminadong gay sila. Kaya si­guro lalo silang matutuwa kay Ate Vi na nagpakita ng concern sa mga gay.

Inihain ni Ate Vi sa kamara ang House Bill 2952, na kung magiging batas ay magtatakda sa PNP na maglagay din ng help desk para sa mga bading. Sinabi niya sa kanyang bill na ang mga bading ay madalas na biktima rin ng harassment. Marami talagang ganyan na nangyayari.

Kung minsan, maski na mga pulis ay inirereklamo nga ng mga bading, lalo na kung nagri-raid sa kanilang mga hangouts place.

Hindi naman talagang kinukunsinti ang mga bading sa bill ni Ate Vi, pero itinatadhana naman noon na ibigay ang kanilang legal na karapatan.

Hindi lang fans ni Ate Vi ang matutuwa riyan, kahit siguro fans din ni Nora Aunor dahil marami rin namang bading sa kanila. May nagsabi pa nga sa amin, maski na siguro mga movie reporter, marami ang matutuwa.

Wala naman sigurong magiging objections kahit na ang mo­ralista sa bill na iyan. Ang sinasabi lang naman diyan ay bigyan sila ng proteksiyon, lalo na ang mga karapatan nila. Walang sinasabi si Ate Vi na pabor siya sa kabaklaan o pabor siya sa same-sex marriage. Bagama’t may nagsasabi na nga na sa pagbibigay sa kanila ng katulad na karapatan, baka mauwi iyan sa same-sex marriage. Kontro­bersiyal pa iyan ngayon kahit na sa Europa, at palagay namin ay hindi pa rin makakalusot iyan sa Pilipinas.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pero sinasabi nga nila, makikita mo talagang para sa masa ang kaisipan ni Ate Vi. Ang isa rin niyang bill, sinasa­bing alisan na ng tax ang lahat ng overtime pay ng mga manggagawa, pati na ang mga bonus at iba pang benepisyo. Nakakatuwa naman iyan.

Digong nagbago ang isip listahan ng mga adik sa showbiz hindi na ilalabas?!

May mga tumututol kagaya ni Robin Padilla. May mga kagaya naman ni James Reid na pabor sa programa ng gobyerno laban sa droga at nagsabi pang handa siyang sumailalim sa drug testing. Kung sa bagay, ang mga ganyan ay ang mga wala talagang itinatago.

Dapat bang ihayag ang listahan ng mga drug dependent sa show business?

Ang totoo, nakakainis na ang sinasabing listahang iyan eh. Noong araw pa namin naririnig iyan. Kung sinu-sino na ang napagbibintangan. Kung kami ang tatanungin, mas mabuti talaga na ilabas na ang listahang iyan. Now na.

Sinasabi nila, kailangang isipin din naman na ang mga artista ay kailangang mapanatili ang kanilang magandang imahe at maaaring makasira sa kanilang career kung malalaman ng fans na addict sila. Eh bakit hindi nila inisip na makakasira sa kanila ang bisyo nilang iyon?

Kung sila mismo hindi nila binigyan ng kunsiderasyon ang makakasira sa kanila, bakit naman natin iisipin iyon?

Tingnan ninyo, pati si Mayor Herbert Bautista ay napagbibintangan na ngayon.

Bakit ba kasi hindi pa ilabas ang listahan na iyan eh, para magkaalaman na.

AiAi may sinabi kay Kris

May narinig kami statement ni AiAi delas Alas tungkol sa sinasa­bing posibleng pagsama ni Kris Aquino sa kanilang show. Natawa kami nang malakas sa narinig namin.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: