Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Jessy hindi pa rin ipinakikilala ni Luis kay Edu!

Jessy Mendiola

Walang pagbabago sa buhay ni Edu Manzano kahit na nga hindi siya pinalad sa nakaraang elek­syon. Tuloy pa rin ang mga negosyo niya’t pag-aasikaso sa farm niya sa Batangas.

Ngayon nga ay balik-akting siya sa GMA series na Someone To Watch Over bilang ama ni Tom Rodriguez.

“I think hindi lang right to run in the election also our obligation. Kung sa tingin natin ay may magagawa tayong mabuti sa bayan at sa ating mga kapwa, so bakit hindi mo subukan talaga. So I will encourage my friends, my relatives, kung talagang their heart is in the right place at gusto nilang manilbihan sa bayan, go ahead!” paliwanag ni Edu after ng press launch ng series sa Le Reve last Monday sa QC.

Susubok pa rin ba siya sa susunod na eleksyon?

“I’m 61 on September 14, three years, magiging 64 na ako. Ang dami ko nang ginagawa. Si Luis (Manzano) is getting of age. My daughter, si Adi, graduate of Ateneo, nagma-Master’s ngayon sa New York, ‘yung anak kong lalaki (Lorenzo), sa La Salle, mangingibang bansa rin, sa University of San Bernardino (California).

“Isa-isang nawawala na ang mga anak ko. Gusto ko silang samahan! Iikut-iikutin ko sila. I was hoping my children will never leave me eh. Hindi naman puwede,” rason ni Doods.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Tumigil sa pag-arte si Doods noon dahil hindi uso ang cut off sa trabaho.

“Nahihirapan din ako kaya sa next day, hindi ako nakakapasok. I’m glad na meron ng cut offs. Pero ito, magiging demand na ngayon, para mas maging propesyonal ang mga artista at ‘yung staff at everybody else involved in the production.

“‘Yung iba nga, ginagawa nila, binabawasan ng porsiyento ‘pag late ng kalaha­ting oras, may multa. So it’s that we start being more professional. Kasi hindi na biro mag-produce ng pelikula at telebisyon. Kaila­ngan magkita halfway with the producers,” rason ng aktor.

Teka, ano naman ang masasabi niya sa masalimuot na lovelife ng anak na si Luis?

“You know, ‘yang anak kong ‘yan, ahhh, lagi akong tinatanong tungkol sa kanyang lovelife. I never, di ko pa sila nakitang magkasama ni Jessy (Mendiola). Never akong nakikialam.

“Nakilala ko si Jessy through her mother. Nasa isang gathering kami, nakilala ko si Jessy dahil pinakilala siya sa akin ng mother niya.

“Pero kay Luis, never ko siyang tinatanong sa kanyang relationships. Because, he’s 35 years old, ‘di ba? Bakit ko siya tatanungin? Lalo namang hindi ko siya dedepensahan! You know, I will not come to his defense,” katwiran ni Edu.

Pero ibang usapan daw kapag lumapit na si Luis sa kanya at hingin ang payo sa pag-ibig.

“Kung lumapit sa akin, humingi ng advise, I will help in whatever I can. You know, I love my son. If you noticed, every year, bumibiyahe kami. Magkakasama kami ng bata.

“Kasi that’s one way of trying to make up for the years that I wasn’t there dahil sa trabaho. Pero only there, hindi ninyo ako makikita o maririnig na nagbo-vo­lunteer ng impormasyon o tumatayo at dinidepensahan siya,” dahilan pa niya.

Papayagan naman niyang mag-asawa ang anak kung sabihing mag-aasawa na siya?

“Bahala siya sa buhay niya! Thirty five na siya!” diin ni Doods.

Eh, ang tumakbo sa pulitika?

“You know, ang anak ko, I am very happy na napatapos ko siya ng pag-aaral. Meron na siyang degree. Kung sakaling hindi siya matagumpay sa isang propesyon, at least, meron siyang pinag-aralan, hindi siya mahihirapang maghanap ng trabaho.

“You cannot be a superstar forever!” diin ni Doods.

Sa September 5 muling matutunghayan ang galing ni Edu bilang aktor sa STWOM kung saan bukod kay Tom, kasama rin niya sina Lovi Poe, Max Collins, Jackie Lou Blanco at iba pa mula sa direksyon ni Maryo J. de los Reyes.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: