Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Angel may bagong boyfriend kaya binura na ang mga alaala ni Luis?!

Eh ano naman ang isyu kung inalis na ngang lahat ni Angel Locsin ang pictures nilang dalawa ng ex-boyfriend niyang si Luis Manzano sa kanyang social media account? Siguro nga umiiwas lamang si Angel sa iba pang issues. Kasi kung mananatili iyon doon, tiyak may magsasabi na hindi niya inaalis dahil umaasa pa siya sa isa pang reconciliation.

Kung natatandaan ninyo, nag-split na silang dala­wa noong araw, tapos nagkabalikan bago nag-split ulit. Siguro nga this time na-realize na nila pareho na may mga bagay nga silang hindi mapagkakasunduan kaya sila nag-split. Mas mabuti namang naghiwalay sila nang maayos ‘di tulad ng iba na naghiwalay na nag-aaway pa.

Sa kaso ni Angel, simple lang iyan gusto na niyang mag-move on. Sigurado naman na marami ring nag-aabang na makapanligaw kay Angel oras na sabihin niyang ready na siya na ma-in love ulit. Iyan ba namang ganyang kagandang babae ang hindi hahabulin ng kahit na sino? At kung magkakaroon naman siya ng bagong boyfriend, aba hindi naman maganda na may pictures pa sila ni Luis sa kanyang social media account. Baka maging problema pa niya iyon kung seloso ang magiging boyfriend niyang bago.

In fact, may nagsasabi nga na baka naman kaya inalis ni Angel ang pictures ni Luis ay may nakita na rin siyang iba, na hindi naman malayong mangyari.

Nasa tamang edad naman na si Angel para magkaroon ng mas seryosong relasyon. Kung sa bagay, seryoso naman siya kahit noon. Hindi nga lang siguro siya tumatama sa isang karelasyong ukol talaga sa kanya.

Papasok nA Mulawin sa Encantadia kailangang kahawig ni Richard

Usap-usapan din naman, isa­­sama raw ang character ng Mulawin sa tumatakbong serye ngayon ng Encantadia. Hindi na rin naman bago iyan, dahil kung natatandaan ninyo, nagsimula iyang Encantadia noong araw na parang kaugnay din ng naunang serye ng Mulawin. Ngayon, kung isasamang muli ang character ng Mulawin, baka nga mas makatulong dahil magkakaroon ng mas maraming aksyon ang kanilang serye.

Ang problema lang diyan, ang main character ng Mulawin, si Aguiluz, ay masyadong naging identified kay Ri­chard Gutierrez. Kung ipagagawa man nila iyon sa iba, kailangang makahanap sila ng isang halos kamukha rin ni Richard, otherwise mahihirapan ang mga tao na ma-identify iyon bilang si Aguiluz. Kung gagawa naman sila ng ibang character, aba eh hindi na Mulawin iyon.

Balitang si Alden Richards ang papasok na bagong Mulawin.

Beauty queen nakipagkalas sa BF na pumatol sa beki

Totoo ba ang tsismis na wala na rin daw ngayon ang isang male star at ang syota niyang beauty queen? Hindi kami makapaniwala doon sa nagbalita sa amin kasi kamakailan lang ay may nakita pa kaming mga picture nilang magkasama sa isang out of town vacation. Pero ipinipilit ng nagbalita sa amin na totoo, split na sila. Mayroon daw third party na inili-link sa male star.

Mukhang hindi ma-take ng beauty queen na mayroon pang third party sa kanilang relasyon ng male star, lalo na at ang third party ay hindi naman babae.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: